Tuesday, November 19, 2013

A SWEET SURPRISE

Si Bocs ay isang batang pinanganak sa lungsod ng Valenzuela. Grade 4 na ata s'ya nang lumipad papuntang Cebu para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, o kaya sabihin na nating pagpasok lang sa eskwelahan. LOL. Sa Cebu na sya lumaki, nagkaisip (di ako masyado sure ah) at tumira ng puno ng saging (oo, tira as in totnaks very good). Nagbalik si Bocs sa Valenzuela para mag-college. At naging magkaklase kami buong college.

Pero walang kinalaman yang intro ko (na 94% hula ko lang) sa ikukwento ko ngayon. Haha!

Si Bocs talaga minsan may konting aksyon sa katawan eh. May isang araw nung college na parang sinapian s'ya ng espiritu ni Lito Lapid, nag-CR s'ya kasama si King. Nakapanood ka na ba ng M2M action? LOL! Hindi yun. Eh cowboy movies? Yung pinto sa mga bar sa disyerto dun 'di ba parang pinto ng aparador na maliit? 'Di ba 'pag pumapasok na yung mga bounty hunter para paslangin yung wanted tinutulak yung pinto ng bar? Basta yun na nga, siguro sabog sa face powder si Bocs nang araw na yun, hindi nya lang basta tinulak mala-action star yung pinto ng cubicle ng CR, TiNADYAKAN n'ya pa! from the rootword SiPA.

BOOM!!!




May tumataeng estudyante.
Pare-parehas silang nagulat.
Umurong yung tae ni kuya pabalik ng tiyan.
Tawa nang tawa yung dalawa pagbalik sa klase.


De End.  Dat's Ol Espasol :D


PS. Totoo po yung tungkol sa puno ng saging na tinira.

No comments: