Saturday, November 09, 2013

ALL ABOUT LAB

Kagabi, nabasa ko ang interview ni Senyor Iskwater sa isa sa mga iniidolo ko at inspirasyon sa blogging, si Sir Glentot ng "educational at personal development" blog na Wickedmouth. Oh yeah!

Hinintay ko muna mag-umaga bago ako magdaydream. Gusto ko din ng interbyu katulad nun (ako yung iinterbyuhin ah). Pano kaya kung mag-one-on-one interbyu kami ng sarili ko? Haha.

Bakit ganyan ang title ng blog (?) mo?

Hindi ko kasi kino-consider ang sarili ko as a blogger, a real one, like dat. So, 'di ko pa masasabi na blog talaga 'to. Kinakausap ko lang naman sarili ko, blogger na ba yun? :D

Describe your "blog" in 2 seconds:

Ay syet! tae

Anong nagtulak sa'yo, bukod sa droga, to make a blog here in Blogger u know?

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa taas, ang may-ari ng wi-fi. Ang blog na 'to ay inaalay ko sa mga tumblr pips, kaya kung may natulak sakin papunta dito, sila yun. putcha! mga nagrepost lang ng gif at import ng status message galing sa fb mga feeling blogger na. sus. Hello sa inyo dyan mga friendship. Mishu ol *hogs*

Sinu-sino ang inspirasyon mo o infuenza sa paggawa ng kagaguhan blog?

Syemperds 'di mawawala dun si BO, si Sir Glentot, si Mr. Romy Diaz, ang girlfriend ko na si Dhona (medyo nakakahalata na sya), mga kaibigan ko sa totoong buhay at ang lima kong followers sa tumblr (mahal ko talaga kayo).

Anong pinaka-nagustuhan mo sa pagba-blog?

Ayun, naiilabas ko kung ano man yung mga gumugulo sa utak ko. Nakakausap ko ang sarili ko na hindi nagmumukhang baliw (di nga ba talaga?). Kahit saan ka naman siguro magpunta may makikilala kang kaibigan o kaaway. And I'm looking porward on that fart :)

Anong preparations mo sa paggawa ng tae post?

Bukod sa papaya tuwing gabi, bata pa lang ako madami ng kaguluhan sa utak ko eh, madalas kachitchat ko sarili ko sa isip, ngayon pinapublish ko na s'ya. Wala naman akong seremonyas, nagpapagudmood lang din muna ako bago magpoopoo magsulat. Kasi kung hindi maganda ang mood mo mahihirapan ka lang din maglabas ng tae.

Do u have any hate message to ol tumblr pips and future haters readers?

Well, u know, tumblr pips out der, i love u ol. Don't think I'm leaving u der becoz of me going here. It's da same tae parin, just different inidoro.. u know. Please support me guys. Pinaghirapan ko po ilabas 'to. Maraming thank you.

Dat's ol. De End.

3 comments:

Anonymous said...

Well, ito ang isa sa pinaka peyborit kong gawa mo Mr. Eligadz (BOYFRIEND KO) :)
obyusli, espesyal (wid 'e' tlga haha) mention pa ang pangalan ko dto.. pra sa inyo pong kaalaman aq po c dhona (ang nasabing girlfriend nya) :)

for you bessytot THANK YOU so much!
I'll support you ol d way, bsta ikasasaya mo:) *mwuahugs*
I love you so much!

PS,
godspeed ur blog :) aja!

Anonymous said...

yun yun eh... may morale suppot :)

sensya na pare lam mu naman bobo ko sa pagkukuwento eh.. una tawa bago kwento. :X

Monik said...

Blog lang ng blog para masaya. Apir!