Wednesday, November 27, 2013

ALL YEAR ROUND MAY CHRISTMAS LIGHTS KAPITBAHAY NAMIN

Ramdam n'yo na ba ang diwa ng kapaskuhan? Bukod sa mga maagang parol na nakasabit sa bawat bahay at tindang bibingka't puto bungbong kung saan-saan, e madami naring mga sumasampa ng jeep para mangaroling. Ewan ko lang, hula ko lang.. hindi pa 'ko nakakalabas ng bahay ulit e hehe.

Ang entry na 'to ay tungkol sa mga Christmas party na pinagdaan ko sa buhay bilang estudyante. Hindi na kasama yung Christmas party sa trabaho ni tatay. At para sa nakaimbento at manufacturers ng picture frames at alarm clocks sa mundo, I love you! Thank you for making our every Christmas party a meaningful and joyous event in our lives :) Amazing u know.

Kindergarten I, Christian Gospel Church

May sasaya pa ba sa unang Christmas party? E sa Christmas party na may mascot ni Jollibee? Yehey! :) Pero mali ka ng iniisip, pareho tayong inakalang si Jollibee ang pupunta. Sana marunong na 'ko magmura nang mga panahong yun, kasi si Mr. YUM lang ang dumating. Masaya naman yung party, pero mas masaya siguro kung si Jollibee ang kasama namin magpakalasing sa orange juice at mamulutan ng spaghetti at stick ng hotdog at marshmallow na nakatusok sa pinya. Christian school pa man din yun pero sinungaling sila, suot ko pa man din ang paborito kong Simba na shirt tapos sapatos na Ninja Turtle pero binigo at tinraydor nila ko. Ansakit lungs. Lol!

Grade 1, EBBES (kabilang highway)

Alam ko walang Christmas party noon dun. Wala nga ring silang bigayan ng honors. Tae. Boreeeng.

Grade 2 to Grade 4, BLES (Bagong Lote)

Walang kapana-panabik na pangyayari. Picture frames lang din ang mga natanggap kong exchange gift at ganon lang din ata yung mga binigay ko sa kanila. Kwits lang.

Grade 5, Bagong Lote parin

Lahat ay sumasayaw sa saliw ng mga tugtugin ng Backstreet Boys, current album nila noon ay Millenium :) Hindi ko malilimutan ang Christmas party na 'to kasi CAMAY ang natanggap kong exchange gift. Oo, yung sabon ni Donna Cruz (ata). Bwisit si Genesis, malamang kinuha n'ya lang yun sa tindahan ng lola n'ya. Memorable talaga kasi 2 beses ko palang nagagamit yung sabon e kinain na ng inidoro, diretso lunok ho. Sana picture frame nalang e.

Grade 6, Mahal kong Bagong Lote

Last minute ako bumili ng pang-exchange gift. Napuyat ako sa pag-iisip kung ano susuotin ko sa party. At ang resulta, na-late ako ng gising. Tinamad na 'ko umattend. Pagkaresume ng klase nang January, kinausap ako ng kaklase kong babae na panget.

Bwisit yung nakabunot ng pangalan ko. 
Oh bakit naman? (habang nakatakip ako ng libro para 'di s'ya makita)
Ampanget ng regalo sakin e, mumurahing angel na figurine tapos umiilaw na plastic na parol. Pambata. 
Oo, ampanget nga. Yuck.

Hindi n'ya alam na ako yung nakabunot ng pangalan n'ya. Choosy pa ang pootah, ampanget naman n'ya. Ganda kaya ng regalo ko. Usapan worth 50 pesos lang, e 57 kaya lahat yun.

Buong hayskul, Bagong Barrio Bilibid HS

Hindi ko matandaan kung umattend ako nung first year. Mula kasi nang ma-late ako noong Grade 6 'di na ko umattend pa sa mga sumunod na mga Christmas party.

1st year to 3rd year college, Unibersidad ng Lungsod ng Kalokohan

Hindi parin ako umattend ng Christmas party. Pa-weirdo epek lang.

4th yr college, Dun parin

Dahil huling Christmas party na yun ng aking buhay bilang walang kwentang estudyante, umattend na 'ko. Kasama ng mga kaklase ko at lahat ng AB Math students ng school. Ayun, naglaro lang din kami ng dota nila Zoey habang sila'y nagkakasiyahan. Ang saya.



The End.

PS. Yung nagregalo sa'kin ng CAMAY, nasiraan na pala ng ulo dahil sa droga. Yun lang. Sarap ng buhay.


Wooh! Tangina mo Mr. YUM! Orange juice pa. LOL

No comments: