Tuesday, November 12, 2013

ANG BUMUBULANG CHILDHOOD MEMORIES NI RYANN

Kapag umeedad ka na talaga, masarap balikan ang iyong nagdaang kabataan. May mga alaalang ang sarap i-treasure ba, yung tipong pwede sanang ikahon nalang tapos tuluyang ibaon sa limot. Mga multo ng nakaraan na hindi na mabubura sa'yong pagkatao at jutaks kahit kailan.. lan.. lan.. lan.. lan.. ..

Nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Bagong Lote sa bayan ng Malabon (the Land of the Rising Water). Isang pampublikong eskwelahan na walking distance lang mula sa bahay namin dito sa Kalookan. Masaya naman sa Bagong Lote, madami akong kaibigan, karamihan mga kapitbahay at kalugar ko lang. Ang bilis pa ng klase kasi apat (4) na oras lang kada shift. Isa sa mga paboritong subject ko nung Grade 5 ay ang "Ghost Fighter". Haha! Kahit tignan mo pa notebook ko dati, madaming drawing na ghost fighter. Kung naging subject talaga yun sa eskwela, malamang ang taas ng grade ko. 

Si Vincent ang pinaka-paborito kong character sa GF. Bukod sa mabilis, malakas at may black dragon spirit sya, trip ko yung hairstyle nya. At dala ng kabataan, ginaya ko ang hairstyle nya (basta maitayo lang yung buhok ko) pero binigo ako ng tigti-tres na Michael's styling gel, hindi pa kasi uso yung wax at clay noon tapos mahal pa ispreynet sa buhok.

Dahil likas sa'kin ang pagiging "resourceful", nadiskubre ko na kapag nagshampoo ka nang hindi basa ang buhok mo at hindi mo din binanlawan (as in papatuyuin mo lang) ay titigas ang buhok mo. Kagaguhan nu? pero totoo yan.. try mo. Dali :P

Hindi ko alam kung ilang araw ko ginawa yun sa tuwing papasok ako sa eskwelahan at kung ilang araw bago ko nalaman na ambantot pala ng ulo ko. Imagine strong na amoy ng sunsilk pink at samahan mo ng pawis. Syet! Muntanga lang 'di ba? Isa pa, may bagay akong kinakatakutan dala ng kagaguhan ko, kapag uwian na at umuulan o kahit ambon lang talaga at wala akong payong, hindi ako makalusong. Kahit malapit lang bahay namin, parang gusto ko magtext para magpasundo (kaso college na 'ko nagkacelfon). Kahit gusto ko maligo nalang sa ulan, 'di ko magawa. Dahil sigurado pag lumusong ako . . . 




TADAN! Biglang bubula ang buhok ko. LOL!

Oy Rye, ba't bumubula buhok mo?

Syet! Parang gusto kong maglaho nalang na parang bula.


De End XD

No comments: