Monday, November 18, 2013

KULENG OATS FORTIFIED WITH SODIUM CHLORIDE FOR YOU

Dala ng 6 na tagay para sa tagumpay kagabi, feeling ko may hang-over ako ngayon. Mahina talaga ako pagdating sa alak eh. Pero si Polar Bear nga natutulog na sa 7-eleven kagabi eh. Haha.

Nakarating ako ng bahay bandang 12:30am, nakatulog ako nang 1:30am at nagising ako nang 4:30am. Alam mo yung feeling na nagising ka bigla kasi parang may kung ano na nangyari at parang may kailangan kang gawin? Kaya nangulangot ako.

Habang nangungulangot ako, napaisip ako, "kumakain ba ng kulangot ang ipis?". Hindi malayo sa katotohanan. Sa dami ba naman ng kulangot na pinapahid sa ilalim ng mesa, sa dingding, sa pader, sa uniform ng kaklase mo (minsan sa buhok), at sa sahig na walang habas na pinitik o pasimpleng nilaglag pagkatapos bilugin, nakakapagtakang nawawala sila. Check mo yung pinahid mo kanina. Siguro 'di sila magugutom kung ganun.

Personally, yeah, 'di ako nangungulangot in public. Nakakadiri e. Kaya saludo ako sa mga malalakas ang loob na dukutin ang dead braincells nila sa ilong habang nasa pampublikong lugar, lalo na sa loob ng jeep tapos siksikan na nga nagagawa pang mangulangot, lakas maka-in-your-face. #etokaoh #kaininmo

Dumukot ako nang malalim, isang one-time bigtime, isang malaking tipak ang nadukot ko. Jackpot! Sarap ng feeling, parang nanalo 'ko sa ending. Syempre, dahil generous ako, hinati-hati ko muna bago ko pinagpag sa sahig para 'di sila mag-agawan, balato ko na sa mga ipis*.

Paano kaya kung tikman ng ipis yung kulangot tapos mahook sila? Baka magising nalang tayo isang araw na limas na yung loob ng mga ilong natin. Nakakalungkot isipin na mawawalan tayo ng isang makabuluhang libangan. Pero dapat parang tooth fairy ang drama, kapalit ng kulangot mo e mag-iiwan sila ng itlog nila sa ilong mo. Aw! Nakakatouch 'di ba?

Paano kaya kung pagkameryenda ng ipis sa kulangot mo e yung energy o "mana" ng taong pinanggalingan ng nun eh matransfer sa ipis? Certain amount of energy lang naman. Siguro kaya na nila salagin yung tsinelas mo at binilot na dyaryo nu?

Mas cool kapag yung ugali o skills ng owner ng kulangot yung makukuha ng ipis. Nakakita ka na ba ng ipis na nakatihaya tapos umiikot-ikot? Suspetsa ko, lulong yun sa kulangot ng breakdancer. Hm?

Sabi nila, panahon palang ng mga dinosaurs, may ipis na. Kaya dapat sila bigyan ng pagpapahalaga. Hindi sila baboy para pakainin ng tira-tira lang na panis. Marapat lang na sila'y handugan ng masarap at masustansyang kulangot. Iba't ibang flavors and variants to choose from. Pero kung yung iba, original classic flavor at no preservatives ang gusto, oks lang din naman.

Kaya para sa lahat ng ipis na pumanaw na dahil sa pagkalunod sa inidoro, natapakan, nahampas, at nalason sa panis na kulangot. Mag-alay tayo ng panalangin at isang bilog na kulangot para sa kanila.

Oh ihagis nyo na po. 'Wag nyo po ipahid sa bulsa nyo. LOL! Tenkyu :)


*may gumapang na ipis sa hita ko habang tinatayp 'to sa celfon ko. 'Di ko alam kung nagtetenkyu ba yun o nabitin s'ya sa pinagpag ko.

No comments: