Monday, November 25, 2013

LOVE WILL KEEP US ALIVE

Speaking of love song, may paborito ka bang pagkain? Malamang meron. E ayaw na pagkain? Alam ko masama tumanggi sa grasya pero madami na 'kong pagkain na tinanggihan (eg. ex-gf). Pero mahirap naman pilitin ang sarili mo kumain ng ayaw mo lalo na kung alam mong isusuka mo lang din.

Pasko noon, taong 1984, isang paskong 'di ko malilimutan sa talambuhay ko (bukod sa taon na hinulaan ko nalang). Nagpunta kami sa ninang kong si Girlie, anak ni Doña Lucy at medyo nakakaangat sa buhay, katabing bahay lang namin yung bahay nila. Bukod sa binigay n'yang aguinaldo na regalo at cash, binigyan n'ya 'ko ng V-CUT Potato Chips . Inital reaction ko: whoaw! (jokesleng. "waw" lang ho). Masisisi n'yo ba 'ko? E pritos ring, tomi at pompoms lang ang kilala ko dati e. Hehe.

Hindi 'ko inasahan na ang kaligayahan na dulot ng v-cut sa araw ng kapaskuhan ay mapapalitan ng kahindik-hindik na pangyayari na babago sa'king pagkatao --- nagsuka ako. Syet ampait. Sinuka ko lahat ng paborito kong pagkain. Nasayang yung paborito kong spaghetti. Mula noon sinumpa ko nang hindi na 'ko kakain ng v-cut magpakailanman, kahit maamoy ko nga lang yun parang nasusuka na 'ko e.

Pero paglipas ng panahon, nawala din ang trauma na dulot ng pangyayaring yun. Masasabi kong naghilom na ang sugat na hatid ng v-cut sa aking mapait na nakaraan. Nababaon ko na s'ya ngayon kapag nakikipagdate sa Luneta :)

Yun lang. The End.

3 comments:

Monik said...

Dati may pagkain din ako hindi kinain sa loob ng mahabang panahon. Yung avocado. May lagnat ako nun eh tapos uminom ako avocado shake. Nasuka ako. Sinumpa ko talaga avocado nun. Elementary ako non. Pero college kumakain na ulit ako ng avocado. Ahhm, umiinom.

eligadz said...

hehe peyborito ko yung avocado na yun. kahit magtae ako oks lang. it's worthy naman

b3n 2lfowh said...

nakakalungkot pero makakapag move on ka rin.