Friday, November 29, 2013

PABAON WITH LOVE

Speaking of umuulan na naman, ang saya talaga ng hayskul life nu? Isa sa mga masarap pagtripan noon ay ang kaklase kong si Robert Mortega. Kaklase ko s'ya nang 2nd year at 3rd year. Hinanap ko s'ya ngayon sa facebook pero 'di ko makita ang ungas, baka patay narin. Congrats bert! :D

Eniweys, si Robert ay isang tipikal na estudyante katulad ng karamihan: laging nakagel, mabigat ang bag, parang steel toe ang sapatos, mahilig magsugal at madalas walang assignment. Magkaibigan naman kami 'pag nasa school. Kaya nga ang lambing ko sa kanya e (o namin) kasi close kami.

May naging teacher kaming terror noon, paboritong past time ang mamunit ng notebook kapag konti ang sulat at walang assignment. Isang araw, kagagaling lang ni Robert sa gawa-gawa n'yang sakit, assignment agad ang tinatanong n'ya kung meron ba. At dahil mababait kami, sinabi naming meron kahit wala naman talaga at 'di namin s'ya pinapakopya. Bakas ang takot sa mukha ni kamote, parang may kinimkim na malamig na tae sa pwet. Haha.

Mga hayskul talaga may hangover pa ng pagiging bata at nagdaang elementarya. Kung yung iba 'pag nagkukulitan, nagtataguan ng notebook o kaya minsan sapatos, samin buong bag. Lahat naman kami biktima pero mas madalas si Robert. Minsan tinatago sa namin yung bag nya loob ng ibang bag, tinatali sa labas ng bintana, sa basurahan (may bonus pang basura sa loob ng bag), sa kabilang room at sa bubong ng library. Minsan uwian na n'ya nakikita yung bag nya.

Sa eskwelahan namin kahit saan ka tumingin, may makikita kang bote ng softdrinks. Pagkabili kasi sa canteen kadalasan dinadala pa sa room at iniiwan nalang kung saan-saan. Para mabawasan ang mga pakalat-kalat na bote sa school, nilalagay namin yung iba sa bag ni Robert bago mag-uwian. Sigurado, laftrip kinabukasan kasi minsan sa bahay n'ya na nalalaman na may mga bote yung bag nya. Dahil 'di lang bote ang marami sa school, naisipan narin namin na lagyan ng mga basura yung bag ni Robert. Kahit malaman n'ya pa bago lumabas ng room na may nilagay kami sa bag n'ya, ok lang, basura naman yun eh. Haha! Minsan bunot (yung panpakintab ng sahig), basahan (pambura sa blackboard) at pira-piraso ng sirang kahoy na silya. LOL!

 Kumusta na kaya si Robert? Kung deds na s'ya, magkasundo naman kaya sila ni Taning? Malamang nagdidigit sila dun :) Hays! Nakakamiss ang hayskul at si Robert. Sana mabatukan ko s'ya ulit :)

XD

No comments: