Sunday, November 17, 2013

PANGARAP KO'Y MAGING DOKTOR NGUNIT TAGA-BUNOT NG BULBOL

Anong gusto mo paglaki mo?

Kung pinanganak ka ng ina mo nang malaki ka na agad, malamang 'di mo naranasang matanong nyan. Halos lahat ng bata natanong na ng kung sinu-sino kung ano gusto nila maging paglaki nila, sabay follow-up question na “bakit?”. Kung saan-saan ka rin pwede matanong nyan.. sa bahay nyo, sa kapitbahay, sa school, sa trabaho ng tatay at ina mo, at sa Eat Bulaga kung kasali ka sa Little Miss Philippines o kahit yung escort ka lang. Isang tanong na magiging pundasyon mo o simula para magkaroon ka sa katawan mo ng tinatawag nilang “pangarap” —- isang bagay na aabutin mo habang lumalaki ka :)

Yung ibang bata gustong ko maging babae, model, doktor, nurse, teacher, business-minded na teacher, businessman, pulis, sundalo, piloto, kapitan ng barko, architect, engineer, singer, dancer, japayuki, dh, caregiver, basketball player, painter, astronomer, astronaut, chef, imbentor, writer, direktor, artista, politiko, politikong artista, politikong may syotang artista, superhero, rockstar, simpleng maybahay, at maging mayaman :) Ilan lang yan sa mga kadalasang sinasagot ng mga bata 'pag tinanong mo sila ng <tanong sa taas> . Ikaw ba, anong sinagot mo dati? at bakeeeet? :)

Ako? Gusto ko maging SAYO! :)

Noong bata pa 'ko gusto ko maging seaman. Tanungin mo 'ko kung bakit. “Para yumaman at mabilhan ng madaming alahas ang nanay ko”, yan talaga sagot ko kung isa ka sa mga paulit-ulit na nagtatanong sakin nyan dati. Kahit 'di 'ko naman talaga alam dati kung ano bang ginagawa ng seaman. Ang alam ko lang, sumasakay sila ng barko para pumupunta sa kung saan-saang lupalop ng mundo at pag-uwi may kwintas at bracelet ng ginto. Naks! Ang yaman :)

Bigla kong naalala, noong grade 3 o 4 kami, pinadrawing samin ni teacher kung ano ba yung gusto namin maging paglaki. Anong iniisip mo ni-drawing ko? Haha. Ang sagot, pulis. Pulis na inaalalayan yung matanda tumawid ng kalsada. Eh sa yun lang kaya ko idrawing dati eh, 'di 'ko nga alam ginagawa ng seaman kaya pulis nalang. :) Ang akala ko pa dati na ang traffic enforcer at pulis eh magkapareho lang hihi. Natawa nalang din nanay ko nung makita yung drawing ko at yung dahilan ko :)

Habang nag-aaral, nag-iiba din yung pangarap ko sa buhay. Painter nga nilagay ko sa yearbook namin nung highschool eh, hilig ko naman kasi yung magdrawing. Pero nung college na, 'di afford ang fine arts na kurso at lalo naman na yung mga kurso para maging seaman. Kaya ayun, sa listahan ng mga kurso sa unibersidad na pinasukan ko "Bachelor of Science in Secondary Education"  lang yung maganda sa pandinig at sa paningin narin. Naisip ko na magtuturo nalang ako (yess! kahit panget pakinggan ng sir ryann.. serayan, sira yan. u know). Pero nung malaman ko na Science ang major at minor lang ang Math, napa-syet! ako. Ayoko ng Science. Kaya plan B, "Bachelor of Arts in Mathematics" nalang ang kinuha kong kurso. :) Naks! Mas maganda sa pandinig dba? Hahaha.

Gusto ko nang maging teacher! 'di lang basta teacher, Math teacher!! ahoo!

*cough! cough!* Paano nga ba magiging teacher si Ryann kung (A) merong s'yang stage fright? (B) Kulang ng 6 educ. units kaya 'di makapagtake ng LET? (C) Hindi naman master na master ang Mathematics? At (D) ayaw sa mga batang makukulit at slow? Hays. OO!, nasa akin talaga yung problema. Batuhin nyo na 'ko ng kamatis sa plaza.

Sa ngayon, medyo matagal na 'kong graduate (23.5 years) at wala pa 'kong nararating sa buhay. Hindi pa ako ganap na propesyonal. Nagtatrabaho na parang hindi naman talaga. Nagsasayang ng oras sa trabahong maliit ang sweldo pero libre ang internet. Hindi naman ako nagrereklamo, nagkukwento lang, sayang internet eh.

Kung tatanungin mo 'ko ngayon ng <tanong sa pinakataas> , ang masasagot ko lang, gusto kong maging masaya araw-araw :) Bahala na. Mamamatay ka din naman kahit ano pang maging trabaho mo. Labo. Hehe. Kaya sa mga batang maliligaw dito sa "blog" (kahit 'di naman talaga) na 'to, hoy! textbooks basahin nyo 'wag ganitong walang kwentang post hey! Goodluck sa inyo sa pag-abot ng mga pangarap n'yo :)


De Endsung. Babaysung.

No comments: