Monday, November 11, 2013

STARSTRUCK SA STARBUCKS AND STUFF VERSION 2.93

October 19, 2013 (Sabordey)

Wooh! Dream come true! Kahit hindi ko naman talaga pinangarap. Nakabili na ako ng librong "Wickedmouth Unang Putok", nameet ko (at nakashakehands) pa ang mga sumusunod:

Sir Glentot - Author ng nasabing libro at ng blog na Wickedmouth.
Sir Mots - Illustrator po ng nasabing libro po at may pakulo po ng blog na Teacher’s Pwet po.

And a "special appearance" of...

Sir Alex - Alex yata? *open ng blog nya* Ay! Bino pala hehe :) Siya ang pogi sa likod ng blog na Damuhan.

Hindi ko sila dating teacher o boss, basta Sir lang tawag ko para mukha akong magalang :)

Napag-usapan na sa isang mall sa QC, itago nalang natin sa pangalang SM Trinoma, kami magkikita ni Sir Glentot. Nasa byahe na ‘ko nang sabihin niya na sa isang kapihan ng nasabing mall kami mag-a-eyeball dahil nauna na daw dun si Sir Mots.

Starbucks sa 4F una kong napuntahan, na parang pugad ng pagkakasala, kamunduhan, mga aswang at parang any moment makakasalubong ko si Taning sa sobrang dilim ng lugar. Syet. 20 mins pa yata akong nanood ng mga pakingsyet na sosyals dun bago magtext si Sir Glentot na Starbucks sa 2F daw kami magkikita.

Alam mo yung feeling ng first time kang makikipagdate? Ganon ang feeling ko dat taym. Hanapan. Text dito, text doon. Hintayan. Text pa dito, text pa doon. Para nga kong taga-alok ng “gimik” habang nakatayo sa tapat ng kapihan. Nag-aalangan pa ‘ko kung si Sir Glentot na ba yung palakad-lakad at may hawak na cellphone (o tablet?) na kasinglaki ng picture frame. At sya nga! :)

Akala ko mukhang manyakis, walanghiya at tarantado sa personal si Sir Glentot. Pero hindi naman pala…. masyado :D Si Sir Mots mas pogi sa personal (kesa sa drawing) at mukhang bagong ahit na Jed Madela. Si Sir Alex o Bino, medyo badboy look na Bobby Yan. At tulad ng feeling ng first date, na-tyope ako. Nakalimutan ko yung mga pinaraktis kong tanong para sa kanila. Seyeng nemen!

Lakas maka-out of place (kahit mukha namang silang mababait), kaya hindi narin ako nagtagal. Bukod sa isang libro na binili ko, wala narin naman silang mapapala sakin kaya sumibat na 'ko agad :)

Paglabas ng kapihan, binasa ko  agad yung dedication nila para sa'kin (naks! meron talaga kaso walang pirma) na nasa unang page ng libro. Nakakatuwa. Nawala yung pagod ko at naging inip sa paghihintay. Bagkus, napalitan ng galit. Jokesleng! Haha!

To Sir Mots, san po yung nunal ko sa fes? :(
Maghahating-gabi na nang simulan kong basahin ang libro. Hindi dahil nagpapaantok ako, ‘di lang talaga ko makatulog. Masasabi kong, eto ang kumupleto ng araw ko. Chos! Madaling araw na pero tawa parin ako nang tawa.

Nakapaloob sa isang softbound na libro ang mga natatanging karanasan ng author. Mga kwento ng kamalasan, kashungahan, kamunduhan, kalokohan at konting kadramahan nya at ng ibang mga dinamay nya. May mga salitang ginamit na ‘di angkop sa mga batang edad 17 pababa at mga 18 pataas na makitid ang jutaks. Gustong-gusto ko ang cover ng libro na 'to. Medyo nakontian lang ako sa mga drawing sa loob ng libro, napapa-i-want-more lang siguro ako kasi fan ako ni Sir Mots at ng mga gawa nya.

front at back cover. softbound s'ya kaya madaling nguyain :)
Alas-kwarto na ng madaling araw na nang matapos ko basahin ‘to. Hindi ko alam kung bakit sobrang laftrip ako sa "ngongo" at "sabaw" part :) Pagdating ng hapon, nagsimba agad ako. Haha! Nagpasalamat ako na nakabasa ako ng isang magandang libro at hindi nasayang ang hiningi kong P200 para makabili nito :) Naks!

Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng mga libro. Sila Pareng Bob, Manong Mitch, Tropang Norman Vincent at Aling Xerex palang ang medyo kilala ko.. Yung iba kasi nadadaanan ko lang nakatambay sa istante. Pero sa librong 'to nag-enjoy talaga ko. Siguradong tatawa ka at makakalimutan ang mga problema sa buhay :) Sabi nga nila, “Happiness is a choice.” Kaya piliin mong maging masaya! Bili na ng librong Wickedmouth Unang Putok. Sa murang halaga, P200, liligaya ka na sa kalokohang hatid ng librong ‘to. Hindi yung mga sikat na author lang kilala mo. Hey! Available na s'ya in selected National Bookstore. Bili na guys.

At ayun! Muli, MARAMING SALAMAT Sir Glentot, Sir Mots po at Sir Damuhan! :D


Nagtext sa'kin kinabukasan si Sir Glentot:
How's the book?
 
Nagreply ako syempre at english din:
It's great. You are my idol very much. *checkop*



 Dat's ol. Babay :)

1 comment:

RoVee™ said...

huli man ang comment ko, huli pa rin..lol

gusto ko rin makabili ng wickedmouth ni glentot kaso nasa ibang planeta ako... =( pero sana pagbalik ko may available pa at may part2 na..

how I wish so much much and more**