Friday, November 08, 2013

YESS! HINDI NA 'KO BOBO

Taong 2011 nang subukan kong bumuo ng isang blog dito. Yung tipong personal blog lang na maglalaman ng mga kaguluhan sa utak ko. Kaya pinangalanan ko itong "Thought Mo Blog". Pero hindi 'ko alam na may test pa pala dapat akong pagdaanan.

Inay ko po! Para sakin isang malaking pagsubok ang pagbuo ng blog dito. Andaming maliliit na pindutan at cheche bureche. At wala akong kaalam-alam sa paggawa ng design. Sumuko ako. Yan naman talaga forte ko eh, ang sumuko agad.

Sumunod na taon, sumubok akong bumuo sa ibang panig ng "blogosphere" at sa Tumblr nga ako napadpad. Kung saan, konting seremonyas lang ay pwede ka na magsimula magkalat ng tae. Doon ko na nabuo ang "Thought Ko Blog". Sounds family? Wala akong maisip na ibang name, kapos kasi ako sa creativity. Hehe :)

Naging matagumpay naman misyon ko sa Tumblr, nakapagkalat nga ko ng maraming tae sa loob ng mahigit isang taon. At dahil nakapag-ipon narin ako ng tiyaga at lakas ng loob, hatid ng limang (4) followers, tinulak ko na ang sarili 'ko para muling harapin ang pagsubok dito sa Blogger. At hindi naman ako nabigo (siguro) kasi kahit pano nakagawa na 'ko ng medyo matinong design. Ayii.

Ayun, pwede na siguro 'tong intro na 'to. Sa mga susunod na posts na yung paninira sa mga tao sa Tumblr. LOL!

No comments: