Friday, December 20, 2013

GENTLEDOG

Eksena sa LRT:
Nakaupo ka at may mga chix na nakatayo. Anong gagawin mo?

Ako? Dedma lang. Hindi pa naman sila matatanda, walang kapansanan at hindi rin sila buntis. Bukod sa pare-parehas kaming nagbabayad ng pamasahe e, may mga kwalipikasyon talaga 'kong sinusunod bago ibigay ang upuan ko. Dahil ang buhay ay hindi lang puro sarap at ginhawa, girl :)
  • May dalang bata  - lalo na kung mukhang single mom. Ayoko na dagdagan paghihirap n'ya.
  • Teacher (o mukhang teacher lang) - mataas talaga tingin ko sa kanila.
  • Mataba - feeling mas nahihirapan sila tumayo nang matagal kesa sa mga payat.
  • Hindi kagandahan - gusto ko ma-feel nila na 'di lang magaganda yung pinagmamalasakitan.
  • Mukhang pagod galing sa trabaho - dahil sa tambay lang ako at 'di masyadong napapagod.
 At kapag malapit na 'ko bumaba, binibigay ko na talaga yung upuan ko. lol

Last Tuesday, Doroteo Station, may sumakay na isang babae at tumayo sa tapat ko. Tiyan n'ya agad yung nakita ko. Medyo malaki, parang buntis. Dahil gentledog ako at putangina n'ya sa'kin s'ya tumapat, ibinigay ko nalang ang upuan ko. Nagpasalamat naman :) Pagkaupo n'ya napasyet ako nang mahina . Natupi yung tyan n'ya. Pucha! Bilbil lang pala yun.

No comments: