Saturday, December 14, 2013

HAPPY BIRTHDAY KURDAPS

Ansakit ng tyan ko. Nakabenteng utot na ata ako habang kumakain ng hapunan na spaghetti at 2 pirasong generic tasty bread (di ko alam kung sino may bday kela koya). Ano bang nakain ko ngayong araw?

Balikan natin ang nakaraan..

Kaninang umaga, nagkita kami ni gelpren bago s'ya pumasok sa opisina. Bumili muna kami ng hot chocolate sa 7-eleven bago tumulak papuntang Chowking. Nagtatalo pa nga kami kung sa KFC na mabagal ang serbisyo nalang o sa McDo na puro breading ang fried chicken. At dahil Oltaym peyborit ko ang fried chicken sa Chowking, ako ang nagwagi, kahit treat n'ya yun hehe. So, ayun na nga, dahil gentleman ako, naghintay nalang ako sa table habang umoorder s'ya. Chicken lauriat yung inorder nya sa'kin. Birthday n'ya kasi kaya nagpacanton talaga s'ya.. na s'ya din ang kumain kasi ayoko talaga ng canton. Hindi ko din kinain yung butchi at chicharap, 'di ko s'ya trip kanina e. Yung siomai pala 'di masarap 'pag sinawsaw sa gravy pero kinain ko. Yeng pekpek neng menek mebete keye kenemey ke neleng. At ang huli, coke (1 point) at hot chocolate ang panulak --- naunang sumakit tyan ni gelpren.

Pagkauwi ko naglaro muna ko  ng online-game bago matulog. Tanghali na nang magising ako. Hindi na 'ko nagkanin, generic hotcake at coke (2 points) lang bale ang naging tanghalian ko.

Pagdating ng hapon, siopao na may hot sauce at malamig na tubig ang meryenda ko.

Habang tinatayp 'to, katatapos ko lang maghapunan (see above) at kasalukuyang nagdedessert ng buko pandan. May keso ba talaga ang buko pandan? Tapos coke na naman ang panulak (3 points). Hello Diabetes! :)

Ansakit na naman ng tyan ko. Wait lang ah.

No comments: