Monday, December 16, 2013

LOVE AT FIRST SIGHT

May mga bagay talagang malalaman mo nalang ang kahalagahan kapag wala na iyong mga kamay. Tunay nga namang nasa huli ang pagsisisi.

Papa Dukot, itago mo nalang ako sa pangalang John Lloyd at ito ang kwento ng aking buhay, pag-ibig at pagsashopping kagabi.

Bago pumunta sa isang parke para magdate kasama si gelpren, napadaan kami sa isang bonggang ukay-ukay sa baba ng Astrotel (mali ka ng iniisip). Pumasok kami. Para bang may kung anong churva na humila samin para pumasok sa naturang tindahan, bukod sa SALE na poster, baka FATE. lol. Nakapunta na kasi kami dun dati at ampapanget na ng tinda kinda mahal pa. It's like duh? Ermahgerd.

Same parin ang aura sa loob pero mas magaganda tinda nila ngayon impernes. How I wish na girl din ako para hindi sayang yung sale, magaganda kasi yung mga tinda nilang blouse eh. Ermahgerd part 2.

Habang nagsusukat si gelpren ng bra ay dumako naman ako sa "men's blazer and jacket section". Una kong naispatan, isang red leather jacket. Anlakas maka-aksyonstar! Sinukat ko eh. Sakto pula din ang shirt ko, nagmukha akong red bell pepper. Kung malaki lang ang katawan ko at nagmumotor tapos nakaboots baka binili ko yun, kaso hindi e.

Pangalawa kong naispatan, military jacket. Sinukat ko din. Whoaw! Ang bigat nya lol. Medyo lang naman :) Medyo makapal kasi s'ya eh at mukhang panlamig talaga. Mukhang bago pa naman, may nylon pa kasi e minus da tag. Tinapon ko agad yung hanger sabay sabing "bibilhin ko 'to!" ala FPJ voice wid matching suksok ng thumbs sa pockets.

Habang naiinip ka na sa kwento ko, nagtingen-tingen pa ko ng pweyding mabeli. Masipag ako kagabi kasi dalawang maliit na sampayan lang yung blazers at jackets nila. May naispatan akong blazer, sakto lang, maganda naman pero wala naman akong dadaluhan na awards night kaya hindi praktikal kung bibilhin ko yun. At hindi rin naman ako nagtatrabaho sa isang corporate na kumpanya. Ibig sabihin lang nun ay hindi kami para sa isa't isa, may ibang tao na nakalaan para sa kanya. Pero ano kaya kung bilhin ko yun tapos benta ko kay Polar Bear? lol.

Ok. Sorry na. Eto na talaga yung kwento. Habang tumitingin tingin pa ng pwede pang mabili sa 150 pesos ko, narinig ko si Koya na nakachekard na longsleeves polo tapos may patong na stripes na longsleeves na shirt (take note: nakalitaw dapat ang kwelo ng polo), tinanong n'ya si gelpren n'ya (sa maniwala man kayo o sa hindi. bulag ata si girly), "Hmp. Yung jacket nalang nga yung bibilhin ko" sabay hanap sa sampayan nung sinasabi nyang jacket. "Oh, nasan na yun? Di ba andito lang yun?" lol. Pipi din ata si girly kasi 'di n'ya
 masabi na nasa akin na yung jacket.

Pero dahil likas sa akin ang pagiging mabait at mapagkawanggawa, umalis na 'ko agad sa eksena at binayaran ang jacket sa cashier. lol.

Military jacket sa halagang P100 + panghihinayang ni Koya = kakaibang saya. Sulit much! Haha.



Charan! May nakatagong hood pala 'to. Anlakas maka-Alex Mercer.
"Don't grab the opportunity, rape it."  -Romy Diaz of Dear Diarya

No comments: