Monday, December 02, 2013

HAPPY BIRTH ANNIVERSARY

Natatandaan mo pa ba kung kelan ka unang nagkaisip? Yun bang pinakaunang alaala mo. Natatandaan mo pa ba yung mga ginawa mo nung sanggol ka? Hindi di ba? Eh nung isang taon ka? Dalawa? Tatlo?




Apat na taon ako noon, hapon, parang nung oras na yun  lang ako nag-umpisa makaalala. Parang "checkpoint" sa computer games. Napansin ko nalang na nasa terrace na 'ko namin kasama ng mga pinsan ko kalaro yung mga kapitbahay naming bata. Naaalala ko pa na parang katatapos lang umulan noon.. medyo basa pa yung sahig ng terrace. Hindi parin gaano tapos yung terrace namin noon. Yung katabing bahay namin yari pa sa kahoy, ngayon apat na palapag na yari sa bato na.

Parang ang gulo ng isip ko nang araw na yun. Parang san ba 'ko galing? Bakit andito 'ko? Bakit 'di ko maalala yung kahapon? Nung mga nakaraang araw? Nung isa, dalawa o tatlong taon ako?

Yun lang. Ayun yung una kong alaala.. tapos nagmata-mataya na kami sa basketbolan.

No comments: