Monday, December 30, 2013

SALAMAS 2013

Isa sa mga kahinaan ko ay ang pagbubuod, dala narin siguro ng katamaran. Pero sa ngalan ng year 2013 highlights ng iba e makikigaya narin ako. Hihi

  • Nagkasakit ako ng TB. Seryoso. Nagkatotoo yung hula sa radyo na magkakasakit yung mga pinanganak ng year of the snake at Leo. 
  • Gumaling ako sa sakit at nagsisimba na ko tuwing Linggo. Dati kasi di talaga ko nagsisimba. Sa buong buhay ko, wala pa sa sampu.
  • Tatlong beses ako nag-aapply ako ng trabaho pero tatlong beses din akong nabigo. Haha.
  • Nalaman kong mas madaming magagawa pag walang trabaho kesa may trabaho ka. Mas madaming oras para makipag-date :)
  • Nalaman kong madaming epekto sa ugali ng tao ang pera.
  • Nagmura na pala ang Garnier sa mercado.
  • Nagtake ako ng civil service exam. Pumasa ako. Yey!
  • Ang pagdating ni Ronron at Renren sa mundo at sa bahay namin. Kambal sila.
  • Ipinanganak din ng kaibigan kong orangutan, na si Angel, si Xelphiea Celestine (sana tama ko sa spelling). Unang Pasko, pass agad haha.
  • Nakahanap ako ng pwedeng pagdownloadan ng full albums for free. free. free ^_^
  • Madami akong napanood ng magagandang pelikula.
  • First time kong magkape sa Starbucks. Totoo. Masarap yung Hot Chocolate nila pero antagal ng serbisyo.. o  jologs lang talaga 'ko?
  • Naging paborito ko ang Chowking at sinumpa ko na ang KFC.
  • Nameet ko sina Sir Glen, Sir Mots at Sir Bino (true story bro).
  • Nakahanap ako ng mga (totoong) nakakatawang blogs.
  • Nakilala din ako ng mga bagong kaibigan.
  • Mas nakikilala ko pa ang mga dati ko nang mga kaibigan.
  • Bumuo ako ng mas matinong blog kesa dun sa tumblr ko.
  • Hindi parin ako sure kung blog na ba talagang matatawag to.
  • Nagcelebrate kami ng unang anibersaryo ng gelpren ko.
  • Nakabili din ako ulit ng bag after 48 years. Pero nabababoy lang dahil sa acrylic paint. 
Sabi na sa inyo e, mahina ako magbuod e 'di ba?

Yehey! HAPPY NEW YEAR sa lahat! Madami mang pagsubok na pinagdaraan, oks lang yan.. sino bang wala? Huwag mawalan ng pag-asa at faith kay God. Ok?

Sa lahat ng mga nakilala ko ngayong taon, thank you at mabuhay! Sa mga inaway ko at inaway ako, may 2014 pa. Tara! Haha. Salamat :)