Tuesday, December 30, 2014

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO

Bakit ba masyadong mapupusok ang mga kabataan ngayon? Masyadong nagmamadali lalo na pagdating sa pag-ibig. Atat na atat magkalovelife. Magkatitigan lang sa canteen o kaya mabangga lang yung dede habang naglalakad sa corridor e feeling nila "umiibig" na sila. Pagtapos e papangarapin na nila maging bf/gf sabay google kung paano magtapat ng pag-ibig.

Eh gaano ka ba nakasisiguro na pag-ibig nga yang nararamdaman mo? Baka naman magaling lang siya magbasketball o sumayaw? Pwede ding maputi lang siya o kaya malaki ang boobs kaya mo nasabing mahal mo na siya? Paano mo ba masasabi na tunay ka na ngang umiibig?

Sunday, December 28, 2014

OWWW HONEY, THANK YOU! I LIKE IT!

Iba talaga ang nagagawa ng 10% discount sa mga malls. Napakalaking tulong sa buhay ng isang tao. Eh pano pa kaya pag  50%? Halos magpukpukan na ng mga sapatos kahapon sa Department Store.

Kaya thank you Mr. Sy. Happy Holidays.

Monday, December 22, 2014

ST. MICHAEL

Sa uri ng hanapbuhay ko ngayon, minsan sa isang taon nalang ako magsuot ng polo. Kapag may espesyal na okasyon nalang tulad ng pamamasyal sa mall at pagdidate sa Andok's.


Cancelled na pala yung pagpapahaba ko ng buhok. Huwag niyo na alamin kung sino nagbawal sakin.

Wednesday, December 17, 2014

Sunday, December 14, 2014

IN SHORT, WALA AKONG PANGARAP

Wala akong balak..
  • yumaman
  • magkaroon ng g-shock at nike roshe run
  • bumili ng magarang kotse
  • magkaroon ng bahay na may shandel.. chandil.. basta yung nakasabit sa kisame tapos madaming ilaw.
  • pumunta ng ibang bansa para mamasyal at magTNT
Kaya kung gusto mo ng masagana at walang-araw-na-hindi-nahihikahos na buhay.. hindi tayo para sa isa't isa. And I need space u know.

Saturday, December 13, 2014

TIME FLIES

Hays. Ang bilis talaga ng oras. Kakaidlip mo lang e, maya-maya gigisingin ka na agad ng boss mo. Istorbo. Hays talaga.

Thursday, December 11, 2014

UNANG SWELDO

Once upon a time, bumili ako ng relo (yung pwedeng isangla sa pawnshop) para lang hindi ako mapagkamalang snatcher o holdaper kapag naglalakad ako sa labas. Effective naman siya.

Monday, December 08, 2014

ANG AHAS AT ANG PRUTAS

Noong unang panahon..


Update: May nag-unfollow sakin sa Tumblr pagkapost ko nito dun hahaha.

Sunday, November 30, 2014

STOP. STOP IT. I SAID STOP IT. ITS DIRTE.

Bakit kaya andaming ingglesero/ingglesera sa social media pero sa totoong buhay hindi naman talaga nag-iinggles? Dahil ba ito sa Cartoon Network? O dahil kay Kris Aquino?

Ektyuwaleee, bakit ba ko nakikialam? Sareh nemen.

Tuesday, November 25, 2014

POST YOUR INSECURITIES ON SOCIAL MEDIA AND LET THEM EAT YOU

Isang taon na pala tong blog-blogan na to. Wala lang. So wat nemen di ba? Yun lang. Thank you sa mga walang magawa na napapadpad dito. Parang may mali sa inyo. Pacheck-up na kayo.

 Thanks and pakyu ol. Babay!

Monday, November 24, 2014

MMK: TYANE

Nakapagbunot ka na ba ng buhok sa kili-kili? Malamang oo kung babae ka. Eh sa kili-kili ng iba?

Thursday, November 20, 2014

PERSONAL BLOG TO

To-do list:
  1. Hindi na magkape at softdrinks.
  2. Mag-exercise atleast 3 times a week. Ok 2 nalang.
  3. Mag-ipon para may pambili ng punyetang smartphone. Pakdat COC.
  4. Magpahaba ng buhok.
Yung paghahanap ng trabaho next year nalang.

Sunday, November 16, 2014

FELICITY

May follower ako sa Tumblr na sobrang hot. As in, mapapaextra-rice ka kapag kinain mo siya lol. Nakilala ko si "Felicity" nung minsang i-follow ko siya at nagfollowback naman. Konting chika-chika tapos inunfollow ko din haha. Puro kasi kadramahan yung pinopost e tapos puro reblog lang din naman ginagawa niya.

College palang siya nung magkakilala kami., kasagsagan ng pagpopost niya ng mga kadramahan at pagbibitter sa Tumblr dahil pinagpalit ata siya ng boyfriend niya sa "panget". Talaga namang "daig ng malandi ang maganda". Malakas ang kutob ko na najerjer si Felicity ng boyfriend niya kaya labis ang pagbibitter nung iniwan siya. Pamigay pechay kasi e.

Lumipas ang mga buwan, gumraduate, nagkaboyfriend ulit sya at tuluyang nakapagmove-on sa pagkakajerjer ni ex. May itsura naman yung bago niya kaso parang mas matanda siya ng konti. Mukhang isip bata pa nga yung boyfriend niya. Hula ko nga nagjejerjeran na sila e, bukod sa may sexperience na si Felicity, natutulog narin siya sa bahay ng boyfriend niya. Alangan namang kwentuhan lang gawin nila dun di ba?

Dahil busy sa pagbobote, di ko na masyado nasundan ang lovelife at sexlife ni Felicity. Nakita ko nalang minsan na parang may bago siya boylet (mas pogi kesa dun sa isa) pero parang sila parin nung isa. Magulong tunay ang pechay ni Felicity. Torn between two tite.

Sa pagbisita ko ngayon sa Tumblr niya, nakita ko na may bago na siyang boyfriend. Wala sa dalawang boylet na nakita ko dati. Malaki ang katawan ng boylet niya ngayon pero di naman kagwapuhan. May braces pa.. so gay. Ayun, isa lang naman napansin ko kay Felicity ngayon e, parang lumaki yung dede niya. Hiyang! Good for her.

 Ps. dapat may pictures sila dito, post ko minsan pag sinipag ako.

Friday, November 14, 2014

JONSONENJONSON

Alam mong may kasyoso ka sa sabong panligo mo kapag gagamitin mo na e may bulbol yung sabon.

Monday, November 10, 2014

SCIENTIFIC

Ano bang mas sensitive? Dede ng girls o siko ng boys?


 Disclaimer: Hindi ako yung guy. Please lang.

Friday, November 07, 2014

SINASABAW BA ANG CHICKEN OIL?

Kaninang umaga sa Mang Inasal..

Gelpren: Kuya, rice pa nga...
Kuyang service crew: Isa lang po? *sabay sandok ng kanin*
Sipon ni Kuya: Hello!

The End

Monday, November 03, 2014

HAPPY HALLOWEEN

Kapag wala daw maikwento, magpost ng litrato. Oh yeah.


Tuesday, October 28, 2014

UUTD

Dear facebook friend,

Thank you sa pag-update sakin ng mga nangyayari sa buhay mo. Mula sa kung anong kinakain mo habang breaktime hanggang sa mga hinaing mo tungkol sa pinapanood mong american tv series.

Isa lang naman ang hiling ko. Sana isama mo narin sa status message mo yung kulay ng tae mo sa araw-araw. Thank you.

Lubos na may pakialam sa buhay mo,
Eligadz

Sunday, October 19, 2014

BACKDOOR

Bakit kaya mga batang atat tumanda? E ang sarap kaya maging bata. Kung alam lang nila na ang pagtanda ay isa lang malaking PATIBONG.


Thursday, October 09, 2014

SUP COUZ?


(c) Wardie Boy
Noong unang panahon, sa malayong lupain na kung tawagin ay Tandang Sora, QC, mayroong dalawang magkasintahan na masayang nag-aabang ng jeep...

Sunday, October 05, 2014

PAROL NG PAGKAKAIBIGAN


(c) ninjaturtlestew
Amoy mo na ba ang simoy ng nalalapit na kapaskuhan? Yung kapitbahay namin may parol at christmas lights na kahit August palang. Ganon sila kaaga.

Tuesday, September 30, 2014

PANGARAP KA NALANG BA?

Lagi mo siyang pinagmamasdan sa malayo tuwing nadaan ka sa kanila. Sinasambit sa sarili ang mga katagang "magiging akin ka din balang araw." Pero nang dumating na ang tamang pagkakataon at sandaling nais mo na siyang angkinin ay biglang....

Friday, September 26, 2014

SLUMBOOK MO MUKHA MO: ABBIE

Nakilala ko si Abbie last year sa internet, may common cyberfriend kasi kami. Nagsimula sa usapan (ako yung nagtanong) tungkol sa dermatograph pencil hanggang magkafollowan na sa Tumblr. Elibs ako dito sa babeng to. Nung nagsabog si God ng talino at talento sa mundo, nasa bubong yata siya. Isang patunay na may matinong tao sa Tumblr lol. Ambait niya pa kasi sumagot siya sa slumbook ko. #maynautoakoyes

Sunday, September 21, 2014

BANGUNGOT #2: WET DREAMS

Actually, di naman talaga siya bangungot pero somehow gusto ko siya isama sa listahan ng mga panaginip na ayoko nang maulit pa.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko kanina? Nanaginip kasi ako na ang laki daw ng mga ngipin ko pati gums. Yung tipong ang hirap hirap isara ng bibig mo. Halos mabulunan na nga ko maisara lang bibig ko e. Pero pagkasara, bubukas din agad. Ramdam na ramdam ko talaga yung hirap.  Para akong nakasuot ng laruang ngipin ng bampira.


Sa kakapilit ko isara ang bibig ko, napuno ng laway yung bibig ko kaya dinura ko agad sa kanal na nakita ko. Eh pucha! Alam ko na sa sarili ko na panaginip lang yun kaya gumising agad ako. Ayun, basa ang higaan at magpapalit na ng punda.

The End

Thursday, September 18, 2014

TECHNOLOGY

Ang internet ay talagang kapaki-pakinabang. Repeat after me.

Sa dami ng pakinabang niya sa buhay ng tao ay tatamarin ka ng isa-isahin ito sa blogpost mo. Alam niyo rin ba na allergic ako magpakuha ng litrato? Kaya talagang nagpapasalamat ako sa internet at may nakita akong kamukha ko. Hindi ko na kailangan magpicture gamit tong lowtech kong cp para may iupload.

Tuesday, August 26, 2014

21 FACTS ABOUT ME

Muntik na ba kayong masuka? Sorry guys. Hehe. Dahil birthday ko ilang araw lang ang nakakaraan e maglilista ako ng 21 random facts about me. Pagpasensyahan nyo na ko.

Sunday, August 24, 2014

3 PINAKATAPAT NA SALAMIN

Kung merong "3 pinakasinungaling na salamin", syempre meron ding 3 nakakainis pinakatapat na salamin (ow yes!)  Kaya kung nagagandahan o nagagwapuhan ka na sa sarili mo, better take another glance sa mga salamin na sasabihin ko. Ready?

Thursday, August 21, 2014

HOW TO MAKE YOUR BEARD GROW FASTER

Isa sa mga problema sa buhay ko ay ang pagpapatubo ng balbas. Tapos na 'ko ng college nang tubuan ako ng bulbol sa baba. Oo, late bloomer talaga tapos mabibilang mo pa sa daliri sa sobrang konti.

Friday, August 08, 2014

CR NG SCHOOL

Noong  unang panahon, uso na ang mga terror na teacher. At isa na doon si Ms. Palacpac.

Wednesday, August 06, 2014

INVOLUNTARY MOVEMENT

Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw yung kamay ko para magsuot ng salamin nung minsang may dumaan na nakapekpek shorts sa harap namin ni gelpren habang nag-uusap. Nabatukan tuloy ako. lol

Tuesday, August 05, 2014

COOL JACK

Nanaginip ako kanina, nahuli daw ako ng nanay ko na sinaksak ko yung sarili ko habang nakahiga sa kama.

Saturday, July 26, 2014

SELFIE 360

Ang dami talagang kabataan ngayon ang naaadik sa selfie. At isa na dun ang friend ko sa isa kong facebook account ('wag mo na tanungin kung para san yun). Hindi talaga kami personal na magkakilala, in-add ko lang siya kasi ang cute niya.

Thursday, July 24, 2014

HELLO TAGA-MOTHER RUSSIA

Tortol
Acrylic on wat'rcolahr peypah baby oh yeah


Nitong mga nakaraang araw, masyado akong inspirado magdrawing at magkulay. Salamat sa mga iniidolo ko lalo na si Dingding. Tsaka sayang naman yung mga brush at pintura sa bahay kung hindi magagamit. He. He. He. Wala lang. Babye.

Saturday, July 05, 2014

ISYU #71: KARERA

Allergic talaga ko sa mga "class reunion". Hangga't maaari e hindi talaga pumupunta sa mga ganyan. Sa mga simpleng pagkikita-kita nga namin ng mga dating magkakaklase e inuunahan ko na sila na sana 'wag naming pag-usapan yung tungkol sa "trabaho" baka masipa ko sila, nakakastress jusko.

Isa sa mga main reasons kung bakit ayoko pumunta sa class reunion e manliliit lang ako. Ikahihiya ko lang yung sarili 'ko. Though marangal naman na hanapbuhay ang pagbobote, pero men.. ah basta! Malapit na nga 'kong magbenta ng laman e, yumaman lang. Pm me lol.

Sabihan ng achievements. Yan talaga yung main goal ng class reunions e, next nalang yung para magkita-kita kayo ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Syempre, payabangan ng mga narating at naimpundar so far. Mapapapukingina ka nalang kapag nalaman mo na mas asensado pa sayo yung kaklase mo na nangongopya lang sa'yo dati. Pukingina talaga!

Sa muli niyong pagkikita e bigtaym na mga kaklase mong mukhang tanga at amoy anghit pa nung hayskul. Meron kang mga kaklase na mga ganap ng propesyonal at may malaking sahod, sa ibang bansa na nakatira, may namimili lang ng worcestershire sauce sa hongkong, at may magandang asawa.

Syempre pagkatapos ng mga magagandang kinahantungan ng mga buhay ng iba e, mawawala ba yung mga nasirang buhay o sabihin na nating hindi kagandahan. Si ganito lumuwag na yung turnilyo kakaadik. Si ganyan naman madami ng anak, losyang na. Si ano ampanget na, 'di ba ang ganda nun dati? Ay si putangina lalong pumanget ngayon, sarap parin sapakin.

Konting tawa, konting buntong hininga tapos uwian na. Pukingina lang talaga.


BAD NEWS

Ok guys, serbisyo publiko muna tayo. Nananawagan ako sa mga taong nasa litrato na 'to. Guys, nabuking na kayo ni Mrs. Legal Wife. Huwag niyo na alamin kung paano. Ingats nalang ah. Bye!


Sunday, June 29, 2014

MODERN DAY LOVE LETTER

Ang liham na inyong mababasa ay hindi pagmamay-ari ng inyong abang lingkod. Hindi ako ang receiver nito at lalong hindi ako ang sender. Ninakaw ko lang somewhere, u know. Wala akong binago kahit isang letra o tuldok. Hindi ko pa din sya masyado nababasa. Kayo nalang muna guys. Hihi.

Saturday, June 28, 2014

WER NA U

Nasaan na kaya yung mga blogger na hindi na nakakapag-update ng blog nila. Yung tipong active na active magpost tapos bigla nalang mawawala ng isang linggo tapos lilipas ang buwan hanggang hindi mo mamalayan e taon na.

Baka masyado nang busy sa totoong mundo. Baka madaming ginagawa sa trabaho tapos pag-uwi sa bahay kakain nalang at matutulog. Wala ng panahon para silipin ang internet.

O baka naman may bago na silang pinagkakaabalahan. Yung mas masaya pa sa pagsusulat na konti lang naman talaga ang nagbabasa. Sana hindi masamang bisyo tulad ng Ragnarok.

Pwede ding napagod na sila sa pagsusulat o kaya nakalimutan yung password ng account. O kaya nadeds? May nakwento narin si M sa'kin tungkol sa mga blogger na nategi na.

Hanggang kelan ba 'ko magkakalat ng tae sa internet? Hindi ko din alam. Hindi ko din masasabi na habang buhay ba 'to. Kaya 'pag 'di na 'ko nakapagpost nang mahabang panahon baka deds na  ko.... o kaya nagraragnarok.

Kdot bye.

Thursday, June 12, 2014

THROWBACK MO MUKHA MO

Speaking of tag-ulan, alam niyo ba mga bata na ang mga batang pumapasok sa eskwela dahil lang sa baon ay walang pinagkaiba sa mga politiko ng tumakbo para lang magpayaman? Syempre imbento ko lang yan.

Noong nag-aral ako ng Kinder, wala akong baon na pera. Malinaw pa sa aking alaala na waffer o hiro lang (mahal ang cream-o dati) tapos zesto orange ang laman ng lunchbox ko. Badtrip pa nga kapag zesto mango yung pinapabaon sakin. Ayoko kaya nun, lasang panis.

Elementary na 'ko nang pinagbaon ako ng pera. Tumataginting na sampung piso. Kung sasabihin ko sa'yo na malaki pa ang halaga ng sampu dati baka isipin mong matanda na 'ko kaya 'di ko nalang sasabihin. Malapit lang din naman sa'min ang eskwelahan at apat na oras lang ang klase kaya pwede na ang sampu. Sa sampung piso makakabili ka na ng tinapay na hugis triangle, hotdog, sopas at juice na tig-pipiso. Oo merong juice na piso lang. Iba pa 'to sa fruit juice na piso lang din at yung cola na flavor. Throwback puta! Haha.

Madaming tinda sa canteen namin na nilalagay sa isang tray tapos dinidistribute sa bawat room kapag recess na. Meron kamote, tinapay, dalandan, sopas, champorad, chikito, happy peanuts, snacku, tomi, orange na dilis, sugar coated na mani, tinapay at meron pang palamig nasa plastic na nakatali kaya di mo kailangan ng straw para sipsipin. Meron kaming kaklase na nabato ng bayabas dahil maingay tapos binalik sa tray ang bayabas at binenta parin.

Kapag 10am to 2pm yung pasok namin, hinahatiran nalang ako ng tanghalian ng nanay ko at sinusubuan pa 'ko habang pinapanood kami ng iba kong kaklase. Badtrip.

May mga kaklase din akong walang baon at mga nawawalan ng baon. Katulad nalang ni Ronalyn Geronda, nawalan ng isang daang piso. Big time right? Ayun, nangutang sa'kin ng para may pangrecess. Buti nalang may isang daan piso ako. Joke lang. Singkwenta lang ata pera ko ng araw na yun.

Noong hayskul na 'ko, 35 pesos na ang baon ko. Naks! Pero kasama na dyan yung pamasahe. Madalas kong binibili dati e Maling with rice and unli-ketchup at softdrinks. Solb na kapag ganon.

Ang madalas kong kasabay kumain noong unang taon sa hayskul ay si Nicolas. Anak siya ng nagtitinda ng Maling at rice. Dun kami kumakain sa kusina ng canteen. Kaya pag may tirang kanin sa kaldero, maling o kaya ibang ulam, tinitira namin. Syempre siya may pasimuno nun. Sa kanya ko din natutunan mag-ulam ng spaghetti. Salitan kasi kami sa pagbili ng maling at rice at ng spaghetti tapos bigayan nalang.

Maraming kwento sa canteen namin. Merong hotdog na tumatalon mula sa plato tapos dadamputin ulit para kainin tapos kaming nakakita e tahimik lang para di mahiya yung may-ari ng hotdog na yun. Sayang din naman kasi, nakakaisang kagat palang siya. May mga kaklase ako ng magnanakaw ng chichirya sa canteen, yung iba hindi nagbabayad sa mga rice meals tapos humihingi pa ng sukli. Meron ding nagsusugal habang kumakain, digit yung kadalasang sugal dati samin. May nag-aaway din, nagsusuntukan, nagpitikan ng ketchup sa polo gamit ang kutsara at  marami pang iba.

Unang araw sa kolehiyo, hindi ako pumasok, wala kasi akong baon hehe. Pero pangalawang araw pumasok naman ako. 75-100 pesos na baon ko nung college pero hindi ako madalas lumabas para kumain kapag breaktime. Noong mga unang taon, sumasabay pa ko, naghahanap kami ng masarap na kainan malapit sa school tapos nauuwi din sa chichirya at softdrinks. Hindi naman makakabusog kapag nagbreak kaya di nalang ako lumalabas. Tapos merong maghihintay ka lutuin yung order mong egg sandwich tapos di naman pala inaasikaso. Inuuna pa yung mga suki nyang panget. Sino bang matutuwa magbreak? Hayup yung matandang yun.

Eniweys, nung natuto ako magdota nung 4th year. Natuto narin ako magbaon kanin tapos sa labas nalang bibili ng ulam. Minsan pa nga kanin at ulam talaga baon ko tapos bibili lang ako ng softdrinks sa karinderya para pwede kumain dun lol. May pagkakataon din na dinadamihan ko yung kain tapos sagot na ng isa kong kaklase yung ulam. Lahat ng yun ginawa ko para makatipid. Wala pa dun yung naglalakad kami para makatipid sa pamasahe para may pangdota pagtapos ng klase o pag tinatamad kami sa klase lol. Pero every friday lang kami naglalaro ng dota kasi friday nalang pasok namin nun tapos puro duties na sa ojt.

Hays! Ansarap balikan ng mga masasayang alaala sa eskwela lalo na pagdating sa recess. Pwera lang sa matandang ginutom ako sa paghihintay sa order kong egg sandwich. Panget!

Wala naman sigurong estudyanteng walang taste na nagbabasa ng kagaguhan na to. Pero kung meron man, ang masasabi ko lang e masarap mag-aral lalo na kapag malaki baon mo malaki man o maliit ang baon mo. Aral mabuti at kumain sa bahay bago pumasok sa school para makatipid. Oh may panlaro ka pag-uwi mo. Babye! :)

Thursday, June 05, 2014

SARAP MANAKIT NG TAO

Dahil pasukan na naman sa eskwela, wala akong post na related dyan. E ano bang ikukuwento ko tungkol sa naging buhay estudyante ko? Huwag na natin sariwain ang mga nagdaang panahon. Naghilom na ang mga sugat ng kahapon. lol

Kahapon pala may walang magawa sa buhay na naligaw sa blog ko. At nag-iwan siya ng touching na mensahe sa comment section.

Thursday, May 22, 2014

BAVARIAN FILLING

Kapag mahirap ka, hindi mo na maiisip magplano pa ng bonggang wedding proposal. Kadalasan nga wala naman talagang ganun, diretso pamamanhikan na tapos kasal. Gastos lang kasi yun. Sa panahon ngayon dapat maging praktikal.

Pero kung lango ka sa pag-ibig at nangangarap ka ng isang bonggang wedding proposal balang araw sa gelpren mo, congrats! Isa kang alipin ng pag-ibig.

Eh ang tanong: Paano kung mag-NO si girlfriend? Nakakatakot 'di ba? Huwag kang mag-alala may naisip akong magandang strategy. Lahat ng bagay nagiging maganda ang resulta basta tama ang timing.

Wednesday, May 21, 2014

EAGLES

3 sets ng panaginip. Hindi ko na matandaan yung buong kwento ng bawat isa.

#1 Babae with aso

Sa pagkakaalala ko wholesome naman yung kwento pero chinichix ko yung babae gamit yung aso.

#2 Pinsan kong si Tisay at ang kanyang madilim na kwarto

Sa panaginip ko parang ayaw niyang lumabas ng kwarto niya. Gusto niya laging mapag-isa sa kwarto niyang madilim.

#3 Gelpren at inventory

Pinipilit niya kong sumakay nalang ng tren instead na mag-eroplano papunta sa Makati para mag-inventory. Tinatanong ko din sarili ko ngayon kung inventory ng ano yung gagawin ko. Magbobote lang naman ako sa totoong buhay. 

. . .

Nagising ako nang alas-singko ng madaling araw. Kada hihiga ako, naririnig ko yung pinsan ko na nakikipagtalo sa gf niya sa telepono. Hindi malinaw pero naririnig ko yung boses niya. Isang oras din bago ako nakatulog ulit pagkatapos magsoundtrip.

Tuesday, May 20, 2014

BANGUNGOT #36

Nakakatakot yung panaginip ko kagabi. Pinipilit ako makasex ng kapitbahay naming babae na panget. Takot na takot talaga ko. Kahit san ako tumakbo hinahabol niya ko. Nagtago na ko sa kisame, andun parin siya. Nakahubo na nga siya e tapos inooffer ang kanyang.. eeew. Masama man manakit ng tao pero yun na talaga yung huling paraan na naiisip ko para tumigil siya. Binugbog ko siya pero mas malakas siya sakin.

Saturday, May 17, 2014

FUN SUMMER ACTIVITY

Sinubukan ko yung binili ni nanay na pampatay ng lamok (electric mosquito swatter). Mukha syang raketa ng tennis pero ang pinagkaiba, gawa sa plastic ang shaft at pinakaframe nya tapos metal yung net nya at pumuputok putok kapag nakakahuli ng lamok o langaw (exciting!). Kung hindi mo alam kung anong itsura nun, tignan mo nalang ang figure 1. Anlakas maka-texbook lol.

Thursday, May 15, 2014

READY, AIM, SLAP!

Nakagawa na 'ko ng stickers.

Nakapagprint na 'ko.

Nagupit ko narin s'ya kagabi.

Ready ng idikit kahit saan.

Wala lang.

Bye.

Sunday, May 11, 2014

HIYA AKO E

Kung meron mang showy samin, siguro lumalabas lang kapag galit. Pero kapag sweet nothings whatever, wala. Hind talaga kami nagbabatian ng happy birthday sa bahay. "Oy birthday mo ngayon ah!" Ganon lang.

At dahil ngayong Mother's Day, wala pa 'kong binabati na nanay haha. E nanay ko nga 'di ko pa nababati e. Pero binigay ko sa kanya yung sweldo ko at isang box ng ensaymada. Siguro matik na sa kanya yun na "Happy Mother's Day Nanay!". Tapos spaghetti galing sa fastfood naman para sa lola ko. Ok na siguro yun. Yihee


Saturday, May 10, 2014

PAANO MAGTAPAT NG PAG-IBIG

Hanggang ngayon ba single ka parin? Torpe much? Natatakot at hindi makalapit sa crush at hindi maipagtapat ang iyong nararamdaman? E paano nga ba magtapat ng pag-ibig o paghanga sa taong iyong nagugustuhan?

Friday, May 09, 2014

3 PINAKASINUNGALING NA SALAMIN

Sino bang walang bahid ng narcism sa katawan? Yung tipong 'pag may nakitang salamin (eg. bintana at side mirror ng kotse), e ichecheck agad ang status ng fes. Pasok din dito yung mga adik sa selfie (aka. selfie lords) pero hindi tungkol sa kanila ang post na ito. Base sa aking masusing pag-aaral sa galaw at pamumuhay ng mga tao (lol), nakapaglista ako ng "3 pinakasinungaling na salamin" sa Pilipinas at dito sila matatagpuan:

Friday, April 25, 2014

BUBOT NA KINABUKASAN

Ang drawing na 'to ay ipinakita at kinuwento sa'kin ng isa kong kaklase noong hayskul pa. Bale kelan lang yun, mga 1993 siguro lol. Itago nalang natin s'ya sa pangalang "Baho". Yan ang bansag sa kanya dati kasi ambaho n'ya magrap. May ideya ka ba kung ano 'tong nasa drawing?

Monday, April 21, 2014

RANDOM MONDAY

Eh ano bang bago sa’kin? Random naman ako lagi. Hays. Well deepwell, nakakapagod talaga ‘tong Lunes na ‘to. Idagdag mo pa yung init ng panahon pati yung mga amoy summer! Woooh! Fresh air maygad!

Antagal na pala kumuha ngayon ng NBI clearance ‘no? O peek season lang talaga ngayon? Sinamahan ko kasi si gelpren kumuha ng NBI clearance kaninang umaga at mantakin mo 8am palang ang haba na ng pila, halos dalawang oras akong naghintay sa labas. Hindi kasi pwede pumasok sa loob yung mga epal/sidekick/jowa/whatever.

Wednesday, April 16, 2014

METHOLATED HOTDOG

Kahapon medyo nagloko yung tiyan ko. Buti nalang marunong magpakitang-tao tong pwet ko, hindi nauutot kapag nasa maraming tao. Pag-uwi sa bahay doon lang nagsilabasan ang mga sama ng loob na kinimkim.

Monday, April 14, 2014

EDUCATIONAL TOOL ANG FACEBOOK

Yes! You read it right! Napakagaling talaga ng gumawa ng Facebook. As in andami mong matututunan. Kanina lang may nalaman akong, may isang medyo may-edad na at pamilyadong  negosyante na ubod ng yaman ang nakabuntis ng isang napaka-ganda at batang-batang model. Oh di ba? Educational! Toldyah!

Friday, April 11, 2014

MGA BAGAY NA DAPAT I-CONSIDER BAGO MAGRESIGN SA TRABAHO

Hindi ka na ba masaya sa iyong trabaho? Madaming hindi kasundo? Gusto ng mas mataas na sahod? O gusto lang ng mas mahabang oras kapiling ang mga mahal sa buhay? Pwes, bago ka magresign ay may mga bagay lang na gusto  kong sabihin sa'yo.

Tuesday, April 08, 2014

SHORT STORY

Disclaimer: Ang istoryang inyong mababasa ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay pawang nagkataon lang. Hindi ko po s'ya karanasan. PROMISE.

Nakaalis na si Pedro papunta sa kanyang pinapasukang trabaho nang maalala n'ya na hindi pala s'ya nakapangulangot sa bahay. Parte yun ng kanyang daily routine pagkatapos maligo, ang mangulangot. Habang nasa loob ng jeep, naramdaman n'yang may laman ang kanyang ilong at tinatayang isa itong malaking tipak ng kulangot. Balisa si Pedro. Hindi kasi s'ya sanay mangulangot sa mga pampublikong lugar.

Saturday, March 29, 2014

Diary ng mga Shunga

Kahapon, nabasa ng kaibigan ko yung post ko na "Diary ng Bulag" at
nag-aya syang panoorin namin ang Diary ng Panget. At dahil wala naman syang pasok ngayon at pwede naman ako maglakwatsa ng umaga, isinagawa namin ang pagpunta sa SM para manood ng sine.

Shutanginames! Puro Captain America! As in lahat ng cinemas, pwera lang dun sa isa na sounds like "Detergent" (hindi ko matandaan yung title ng movie). Hindi pa pala showing yung DNP kaya ang ending, kumain nalang kami sa Home of the Chinese-style Fried Chicken tapos nag-aksaya ng pera sa Quantum. Nakakaurat yung sa isang laro dun, puro sa 1 ticket nalalaglag yung bola. Hmp! Buti nalang magaling sumayaw si Koya.


Sya nga pala, hindi masarap yung fried siopao sa Dimsum Frito. Sayang pera. Sarap makipagsuntukan nalang e.

Tuesday, March 25, 2014

Diary ng Bulag

Syete! Akala ko talaga si Kathryn Bernardo yung bida sa Diary ng Panget The Movie. Si Nadine Lustre pala yun. Wait lang. Sino nga ulit sya? Nadine Lustre? Hindi ko sya kilala. Duh. Pero inpernes, magaling sya “umarte” ah, parang si Chichay lang din na maarte.

Wednesday, March 19, 2014

LOVELIFE

Napakapakialamero ko talaga, lalo na pagdating sa lovelife ng mga organismong nakakasalamuha ko. Mula sa prof. namin sa Field Study na matandang dalaga hanggang sa mga kakilala kong 'di ko nakitang nagkajowa. Siguro lumaki lang ako sa ideyang lahat tayo ay dapat umibig, magkaasawa, magkaanak at bumuo ng isang masayang pamilya. Nakakalungkot isipin na wala kang asawa na makakasama o anak o kahit sinong katuwang sa pagtanda. Awwwww.

Tuesday, March 18, 2014

JEPROKS

College na kami noon pero pinagbabawala parin ang pagpapahaba ng buhok. KJ. Halos lahat ng mga naging prof ko pinagsabihan ako pero wala rin silang napala. Feeling ko nagsawa nalang sila kakasaway sakin. Haha.


Friday, March 14, 2014

BS PSYCHOLOGY

Dapat pala ginaya ko nalang yung kinuhang kurso ng ate ko nung college, BS Psychology. Edi pwede rin akong maging HR sa mga kumpanya. Parang mas masarap kasi mag-interview kesa sumagot. Tapos hahaluan ko ng mga kalokohan yung mga tanong ko para maaning-aning yung mga aplikante wahahaha.

Sunday, February 23, 2014

HOME ALONE

May magsyotang nag-uusap sa jeep..

Girl: Kailangan ko umuwi agad walang tao sa bahay nila Tita.
 Boy: Walang tao kela Tita mo?
Girl: Oh bakit ganyan yung ngiti mo?

Friday, February 21, 2014

KAMASUPRA

Noong isang araw, nagpadrawing sa'kin yung pamangkin ko (anak ng pinsan ko). Isang pusa at isang oso na nag-uusap sa kagubatan. Hindi naman ako masyado nahirapan kahit hatinggabi ko na nagawa yun kasi may kopyahan naman sa libro niya.

Kanina sinabi niya sa'kin na 90 daw yung grade na binigay ng guro niya sa drawing niya na ako ang nagdrawing.

Tuesday, February 11, 2014

TEST OF FAITH

Andami talagang distractions kapag nasa Simbahan ka. Meron dyang magsyotang naglalandian lang, mga matatandang nagkukwentuhan lang, mga batang naghahabulan at naglalaro, at may mga taong may mga kakaibang eksena.

Noong Linggo ng umaga, may nakita akong magandang binibini sa loob ng Simbahan. Nakapwesto siya sa pangatlong upuan at ako naman ay nasa panglima. As usual, kapag katatapos lang ng misa e konti nalang ang mga tao, kaya kitang kita ko siya. Nakasuot sya ng cream na long sleeve shirt. Ang ganda niya. Parang slowmo yung paghawi niya ng buhok habang tinitignan ko siya. Hanggang sa itinali na niya ang kanyang straight at makintab na buhok gamit ang dalawang kamay.

Monday, February 03, 2014

CONCEPCION

Ang ganda ni Ate na nakasakay ko sa tricycle. Nasa gitna namin s'ya ni Manong Drayber, kaya naaamoy ko pa ang mabango at makintab nyang buhok. Maputi din si Ate at impernes, makinis.

Nang bababa na si Ate nagwika s'ya kay Manong ng,

Sunday, February 02, 2014

THE BEAST WITHIN

Aminin mo sa sarili mo, kahit gano ka kagutom kapag kumain ka sa labas dapat may poise parin tapos con todo kutsara't tinidor pa kahit manok na mabuto ang inorder. At hindi yan umiinom ng tubig, coke o iced tea nang hindi naka-straw.

Wednesday, January 29, 2014

YEAR OF THE WOODEN HORSE

Circa 1995

Anang: Samahan mo 'ko 'nak.
Ako: San 'nay?
Anang: Sa kabila (sa bahay ng Tita ko) , hihiram ako ng kabayo.
Ako: Ako unang sasakay ha?
Anang: Sige :)

Pagkakita ko..

Friday, January 24, 2014

SLUMBOOK MO MUKHA MO: MONIK BIO

Ano bang magandang intro para sa babaeng 'to? Hmmm basta weird s'ya ahaha. *hogs*

Isang babaeng malalim, may "art" sa katawan,  laging nakatakip ang mukha sa mga litrato, cool kahit madrama at ang babaeng nasa likod ng blog na Makina ni Monik! (na binura na nya ahahaha).  Pero meron po s'yang tumblr.

Monday, January 13, 2014

ZA WAKAZ

Ang zaya! Za wakaz dumating narin yung dalawang polo na inorder ko za Zalora after 4 yearz. Lol joke lang.

photos from Zalora.ph

Thursday nang gabi ako nag-order, siguro walang pasok yung courier nila 'pag weekends kaya ngayong Monday lang dumating. Bale 4days ako naghintay. Ilang magiginaw na umaga rin ako nagising at nagtatanong agad kay nanay ng, "Dumating na ba yung inorder ko Inay?".  Pero okz lang, zulit naman ang paghihintay at napawi din ang aking inip at pagkabahala na baka iniisip ng Zalora, nagtitrip lang ako kaya walang order na darating. Adik lungz. lol

Friday, January 03, 2014

RADYO, MUSIKA AT MGA TAONG NAKA-EARPHONES

Hindi kumpleto ang pagsalubong ng bagong taon kung walang paputok, fireworks display, indiscriminate firing, mga naputukan at nagkakant. . . .

Thursday, January 02, 2014

NEXT MONTH PA ANG BALENTAYMS DAY

Hindi ko 'to sinasabi dahil masaya 'ko. Pero masaya naman talaga 'ko dahil sa'yo. Salamat at nagkasama tayo sa unang araw ng taon kahit ang init sa Luneta lol.

I love you Madona :) ayii <3