Saturday, January 04, 2014

GUSTO KO MAGKAPE, YUNG HINDI SOSYAL

Kilala nyo ba to? At bakit?


Ay! Eto pala..


Sa totoo lang, minsan ko lang mapanood 'to sa channel 13. Hindi ko nga din matandaan yung title ng palabas na yan. Basta tungkol s'ya sa paglalakbay sa iba't ibang panahon, 'di s'ya boring 'di katulad ng Superbook.

Eniweys, natatae talaga 'ko sa idea ng time machine at time travelling. Bakit? Hindi ko alam. Siguro sa dami ng posibilidad na pwedeng mangyari kung kaya natin bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap, ang kumplikado. At ako yung tipo ng tao na walang hilig sa mga kumplikadong bagay. Bakit nga ba 'ko nahilig sa Math? Tae.

Ayokong bumalik sa nakaraan. Ayoko nang balikan yung mga katangahan ko sa nakaraan. Siguro sasabihin mo na (o assuming lang ako. ikr) , "Pwede mo naman balikan yung mga pagkatataong nagkamali ka para itama". Did I said pakyu? Well, pakyu talaga.

Pero pwede din ah. Bumalik kaya ako sa nakaraan para..
.. itakas si Rizal sa Fort Santiago?
.. bumili ng mga bagay na noon ay mura pa?
.. magbasa ng blogs habang 'di pa nadedelete?
.. manood ng concert ng Eheads habang 'di pa si Rico Blanco ang vocalist nila?
.. burahin ang mas nauna kong sinabi?
.. upakan yung bully kong kaklase nung first year hayskul?
.. wag na galawin yung mga laruang nasira ko o naiwala ko, na hindi naman sa'kin?
.. magtapat ng damdamin sa mga crush ko na ngayon ay may mga anak na?
.. mas paghusayan ang pag-aaral at laging gumawa ng assignments?
.. magpractice teaching kesa mag-ojt sa opisina?
.. mas paghusayan ang final interview sa mga pinag-aapplyan ng trabaho?
.. wag kalimutan magbaon ng extrang brief sa outing para 'di magrambo pauwi?

Ayoko parin  bumalik sa nakaraan. Period! No erase. At kung ayoko bumalik sa nakaraan, mas ayoko naman pumunta sa hinaharap. Basta.

Kung lahat tayo pwedeng magtime travel, para san pa ang history? Para san pa ang "time is gold"? Para san paggawa ng tama para 'di magsisi sa huli?

Basta nabasa ko yung mga lumang post ng Dear Diarya dahil sa isang parang time machine dito sa internet, yung ibang parts na dinelete, pero hindi lahat. Labo.

Mamaya magbabasa naman ako ng blog na nawala dahil sa malicious files at yung isa binura din dahil naman sa ex-bf. Nakalimutan ko yung name nya. lol

UPDATE:
never fails to make me laugh