Monday, January 13, 2014

ZA WAKAZ

Ang zaya! Za wakaz dumating narin yung dalawang polo na inorder ko za Zalora after 4 yearz. Lol joke lang.

photos from Zalora.ph

Thursday nang gabi ako nag-order, siguro walang pasok yung courier nila 'pag weekends kaya ngayong Monday lang dumating. Bale 4days ako naghintay. Ilang magiginaw na umaga rin ako nagising at nagtatanong agad kay nanay ng, "Dumating na ba yung inorder ko Inay?".  Pero okz lang, zulit naman ang paghihintay at napawi din ang aking inip at pagkabahala na baka iniisip ng Zalora, nagtitrip lang ako kaya walang order na darating. Adik lungz. lol

Next kong bibilhin, phone na may magandang camera.


Sa totoo lang, mas maganda yung itsura ng polo sa pictures sa site nila kesa sa personal. Anong bago dun? Pero 'di naman ako umasa ng sobra e. Kahit naman sa mga patalastas ng pagkain, mukhang masarap yung product pero sa totoo lang, 'di naman pala masyado pero ang mahalaga, nabusog ka.

Ok naman yung mga polo, fit naman sa'king seksi bowdi. Satisfied naman ako. Mga 8 out of 10. Mukha lang akong teacher sa orange na polo. Yung white naman nakakabata, mukha akong estudyante.. na 'di makagraduate graduate haha. Pwede na 'ko mag-apply ulit yey!

Oorder pa ba 'ko sa susunod? Ang sagot, OO naman! Lalo na kapag may discount ahahaha. Mas maganda ba mamili sa online shops kesa sa mga malls? Aba'y ikaw ang makakasagot nyan. First time ko lang din naman kasi magpurchase sa isang online shop, tiwala lang din ako kasi COD o Cash On Delivery kaya walang scam. Depende din kasi sa trip mo.Hirap din kasi ako makahanap ng medyo murang items pero maganda ang quality sa malls, karamihan mahal. At lagi din naman akong nakababad sa internet kaya 'di ganon kahirap maghanap ng magagandang styles na trip ko.

Yun lang. Ingats sa pamimili sa mga online shops :)

PS. @Zaloraph sana 'di lang 150 voucher bigay n'yo sa mga nakabili na. Kahit 250 naman pows hehe. *hugs*