Friday, February 21, 2014

KAMASUPRA

Noong isang araw, nagpadrawing sa'kin yung pamangkin ko (anak ng pinsan ko). Isang pusa at isang oso na nag-uusap sa kagubatan. Hindi naman ako masyado nahirapan kahit hatinggabi ko na nagawa yun kasi may kopyahan naman sa libro niya.

Kanina sinabi niya sa'kin na 90 daw yung grade na binigay ng guro niya sa drawing niya na ako ang nagdrawing.

Pucha! Noong college ako, sa subject namin na Humanities 1: Aesthetics, pinagdrawing kami ng prof namin, si Mam P as in Pakyu. Kulayan man namin o hindi, ok lang. Kung anong materials, kami ang bahala. Basta sa likod ng wanport (1/4) illustration board kami magdodrawing at dapat "abstract". Madali namang kausap si Mam P, pumayag siya na kahit sa oslo nalang magdrawing pwede na. Ako nagtanong nun. Hindi naman sa hindi ko afford ang illustration board, tamad lang ako magbitbit at hindi siya kasya sa maliit na pangkartero na bag ko.

Lumipas ang isang linggo (weekly kasi yung pasok namin, hindi araw-araw, 3hrs per meeting), nagtinginan kami ng kanya-kanyang gawa. Hala! Bakit hindi abstract yung mga gawa nila? Ang kwento, nagtext daw si Mam P sa isa kong kaklase na kahit ano na yung idrawing, kahit hindi na abstract. At obyusli, uso na yung cellphone nung mga panahon na yun at hindi ako nasabihan sa text. Leche!

Pero ok lang, kampante parin ako sa abstract drawing/painting whatever ko kahit hindi yun si batman o kaya basketball player o paboritong hayop o bundok tapos may sunrise at madaming ulap. Tinawag kami isa-isa para magbigay ng konting description sa karumaldumal na mga ni-drawing namin. At nung turn ko na, buong sigla akong binati ni Mam P na "Bakit nasa oslo yang sa'yo Eligadz? Sabi ko wanport illustrazhen board". Sumagot ako, "Adik po ba kayo Mam?" pero sa isip lang. Hindi niya daw matandaan na pumayag siya na pwede kahit sa oslo lang. Kaya binigyan niya 'ko ng tumataginting na 2.75. Ang saya! Parang gusto ko siyang ingudngod sa sahid, mukha naman kasi siyang walis tambo dahil sa buhok niyang nasobrahan sa plantsa. Grrr. Tapos nalaman ko na pang-Humanities 2 pala siya, Personality Development Churva tapos binigyan ako ng 2.75 para sa isang likhang sining. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon.

Parang job mismatch whatever lang.

1 comment:

RoVee™ said...

haha ..nakakatawa ka promise =)


PS.
Lalaki po ako... @_@