Tuesday, February 11, 2014

TEST OF FAITH

Andami talagang distractions kapag nasa Simbahan ka. Meron dyang magsyotang naglalandian lang, mga matatandang nagkukwentuhan lang, mga batang naghahabulan at naglalaro, at may mga taong may mga kakaibang eksena.

Noong Linggo ng umaga, may nakita akong magandang binibini sa loob ng Simbahan. Nakapwesto siya sa pangatlong upuan at ako naman ay nasa panglima. As usual, kapag katatapos lang ng misa e konti nalang ang mga tao, kaya kitang kita ko siya. Nakasuot sya ng cream na long sleeve shirt. Ang ganda niya. Parang slowmo yung paghawi niya ng buhok habang tinitignan ko siya. Hanggang sa itinali na niya ang kanyang straight at makintab na buhok gamit ang dalawang kamay.

 At BOOM! Basa ang kili-kili ni Ate.

The End.

1 comment:

RoVee™ said...

naman... grabe ka naman, sobran init kaya basa ang armpit nya. hambadmo lol



PS
Lalaki po ako ^-^