Friday, March 28, 2014

ANG NAWAWALANG GRADUATION PICTURE



Marso na naman. Bukas makalawa, Abril na. Panahon ng pagtatapos sa eskwela. Pero weeeeyt! Hindi pa tapos ang lahat. May hayskul pa, college at paghahanap ng trabaho. Isang panibagong kabanata na naman na siksik sa mga hamon ng buhay. Kaya isang malaking GOODLUCK.

Bukod sa diploma, lumang uniporme at crush mo, isa ang graduation picture sa mga magpapaalala sayo na ilan taon kang nag-aral (o pumasok lang). Pero maniniwala ka bang wala akong graduation picture noong hayskul? Oo, wala talaga.

Huling araw na ng bayaran noon para sa graduation picture namin noong hayskul. Yun narin yung araw na kukunan kami ng picture na nakatoga tapos may hawak na binilot na bond paper. Hindi ko matandaan kung bakit ako nagpahuli sa pagbabayad.

Ilang araw nalang magtatapos na kami pero sugal parin inaatupag namin. Nakakahiya mang sabihin pero nagsugal ako nung hayskul. Masarap kasi sa pakiramdam na andami mong hawak na pera tapos yung mga kalaro mo mukhang natatae na kasi natatalo na. Priceless.

Pero nung araw na yun, ako yung mukhang natatae. Natalo ako. Naubos yung baon ko. Kahit pamasahe pauwi, wala. Yung mga kaklase ko naman wala ng maipautang. Kaya ang ending, NGANGA! Hindi ako nakapagbayad para sa grad pic kaya hindi ako nakuhanan. 

Isa sa mga katangahan na hindi ko malilimutan. Buti nalang hanggang ngayon e hindi ako hinahanap ng graduation picture ng nanay ko. XD

1 comment:

glentot said...

Haha yung grad pic ko nung high school kagat-kagat ko labi ko kasi yung mga kaklase ko nagpapatawa. Eh one shot lang yun.