Wednesday, March 19, 2014

LOVELIFE

Napakapakialamero ko talaga, lalo na pagdating sa lovelife ng mga organismong nakakasalamuha ko. Mula sa prof. namin sa Field Study na matandang dalaga hanggang sa mga kakilala kong 'di ko nakitang nagkajowa. Siguro lumaki lang ako sa ideyang lahat tayo ay dapat umibig, magkaasawa, magkaanak at bumuo ng isang masayang pamilya. Nakakalungkot isipin na wala kang asawa na makakasama o anak o kahit sinong katuwang sa pagtanda. Awwwww.

Noong bata pa ko, kinausap ko yung Tyahin kong si Ate P na dalaga pa. Nasa 40+ na ata nung panahong yun. Medyo may edad narin.


Ako: Bakit wala pang asawa si Kuya Rene?

Ate P: Hindi ko alam. Ayaw nya siguro mag-asawa.
Ako: Eh ikaw? May asawa ka na?
Ate P: Wala din.
Ako: Oh! Yun naman pala e. Bakit di nalang kayo maging mag-asawa?
Ate P: Magkapatid kaya kami.

Aba! Malay ko ba dati XD


No comments: