Monday, April 21, 2014

RANDOM MONDAY

Eh ano bang bago sa’kin? Random naman ako lagi. Hays. Well deepwell, nakakapagod talaga ‘tong Lunes na ‘to. Idagdag mo pa yung init ng panahon pati yung mga amoy summer! Woooh! Fresh air maygad!

Antagal na pala kumuha ngayon ng NBI clearance ‘no? O peek season lang talaga ngayon? Sinamahan ko kasi si gelpren kumuha ng NBI clearance kaninang umaga at mantakin mo 8am palang ang haba na ng pila, halos dalawang oras akong naghintay sa labas. Hindi kasi pwede pumasok sa loob yung mga epal/sidekick/jowa/whatever.

Nangalay ako sa pagtayo at sa pag-upo sa labas. Buti nalang at hindi ako naiinip kasi madaming tao na pwedeng panoorin at pakinggan. Given na yung mga overpriced na mga tinda mula bolpen, tubig hanggang sa sapatos (oo meron).

  • May mga tao paring mahina ang reading comprehension. Nakita nang “EXIT ONLY” yung nakasulat sa karatula sa gate magtatanong pa ng "d’yan ba ang entrance kuya?"
  • May isang kuya dun na kakakilala dun sa katabi n’ya e kinuwento na ang mala-MMK na buhay niya at ng kapatid n’yang “no read, no write” na sinamahan n’ya kumuha ng NBI clearance pero naiwan sa loob kasi pinalabas din s’ya. Awww sad.
  • Sa isang kumpol ng mga kababaihan, may namumukod tanging makwento na babae.. antigas naman ng dila lol. Kada lalalabas na kasama nila, sasalubungin n’ya ng "no te? het ka?". Tinatanong nya kung “HIT” o may kapangalan ba sa records yung kasamahan nila.
  • May nakita akong rocker na babae, pero mukhang lalaki. Seryoso. Hindi naman s’ya mukhang tibo e. Basta mukha s’yang lalaki. Hehe.
  • May mga nakasweater/jacket kahit ang init-init na. May lagnat siguro sila.
  • May isang babae dun na natunaw na yung make-up sa init.
  • May magandang babae na naghihintay din sa labas. Kung ako boypren nun ‘di ‘ko s’ya isasama para paghintayin nang matagal. Tsk. 
  • May nakita din akong mga may kapit na taga-loob. Palakasan system da best!

Pagkatapos sa NBI, kumain muna kami ni gelpren sa isang fastfood tapos tumulak na kami papunta sa Quirino para sa kanyang medical examination. Ang init parin grabe. Putok na putok yung araw. Buti nalang con todo erkon sa clinic.

Ang tagal ko din naghintay dun. Ambagal ng serbisyo mapapaaputangina ka talaga. Pero dahil erkon nga e, chillax lang habang pinapanood ang mga tao.
  • May mukhang manyakis na staff dun. O mapanghusga lang ako sa pag-aassist n’ya sa mga magagandang babae? Feeling ko kasi sa loob yung trabaho n’ya pero nasa lobby s’ya.
  • Andaming maganda at mapuputing chix na nagpapamedical kanina, parang gusto kong magtrabaho dun ahahaha.
  • May nakakatulog na sa paghihintay. Sayang ‘di ko makunan si kuyang katabi ko, maingay kasi camera tone ng phone ko. 
  • Yung isa estudyante na lalaki papamedical lang parang nakapang-JS pa.
  • May manong dun na kumuha ng broadsheet sa istante. Ambilis naman maglipat ng page, picture lang ata tinitignan nun e, hindi talaga nagbabasa hehe.
  • May kumpol na naman ng mga babae na nagdadaldalan.
  • Yung isang ale ang sosyal, naka-Samsung Galaxy Note. At auto-liker s’ya sa facebook lol.
  • Eto yung hinding hindi ko makakalimutan, si ateng maganda, early 30’s at naka-formal attire. Nakared na sleeveless tapos slacks na pinstripe at labas yung strap ng bra. Hindi labas na nakasilip lang. Nakalawit talaga. Tanggal yung kabilang dulo ng isang strap tapos nakalawit sa armhole. Kulay pangnanay pa na bra. Feeling ko hindi n’ya yun napansin e, kasi nagsuot agad s’ya ng blazer pagharap sa customer service o receiving area whatever. May kasama pala s’ya na babae na nakalongsleeves, maganda din at matangkad. Pa’no kaya kung nagcommute lang sila? Edi andaming nakakita nun. E kung may car sila tapos tibo yung kasama n’ya? Do the math lol.

Hays! Hapon na kami nakauwi. At nakakapagod talaga! Buti nalang nakaupo kami sa LRT hehe dedma mode sa mga babaeng nakatayo. Manigas sila :P 

Oi guys! Salamat nga pala sa mga nagbabasa ng blog. Thank you talaga. Lagi n’yong tandaan laging daig ng maagap ang masipag at i-check ang strap ng bra bago umalis ng bahay ha? Hehe. *hogs*


4 comments:

jobologist said...

mas mabilis kumuha ng nbi kapag pahapon na...ubos na ang pila heheheheh...kay ateng maganda na hindi naisaayos ang strap ng bragaano bang kamanhid yun...?baka sinasadya para may mapaibig siyang adan

RoVee™ said...
This comment has been removed by the author.
RoVee™ said...

Uu nga dapat mejo hapon na kyo pumunta pra mejo fresh pa kau ni gelpren mo at ndi mxado mainit, parang alam ko na sa UN Ave kau kumuha ng NBI Clearance? Cguro lilipad si jowabel mo abroad noh?.. anyways, nice observation around you. Nakaktuwa. relate much minsan sa mga nasasight sa paligid.. ^,^

btw,i am enjoying reading your blog.

eligadz said...

@rovee: tama, sa UN nga yun pero hindi sya mag-aabroad :) hehe thanks.
@jobologist: baka may ibang phys. exam. pa syang dinaanan bago yung sa clinic sa Quirino hehe.