Tuesday, April 08, 2014

SHORT STORY

Disclaimer: Ang istoryang inyong mababasa ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay pawang nagkataon lang. Hindi ko po s'ya karanasan. PROMISE.

Nakaalis na si Pedro papunta sa kanyang pinapasukang trabaho nang maalala n'ya na hindi pala s'ya nakapangulangot sa bahay. Parte yun ng kanyang daily routine pagkatapos maligo, ang mangulangot. Habang nasa loob ng jeep, naramdaman n'yang may laman ang kanyang ilong at tinatayang isa itong malaking tipak ng kulangot. Balisa si Pedro. Hindi kasi s'ya sanay mangulangot sa mga pampublikong lugar.

Maya-maya ay nagkaroon s'ya ng 2 segundong pagkakataon para dukutin ang ilong nang may mga pasaherong nagsibabaan. Mabilis at patago n'yang dinukot ang pesteng kulangot na nagpapabagabag sa kanyang buong pagkatao. Pero isa pala yung maling hakbang. Mas natulak pa paloob ang malaking tipak ng kulangot. Medyo nahihirapan na s'yang makahinga dahil sa bumarang kulangot. Suffocation sa sariling kulangot lol. Buti nalang at ilang minuto nalang ay malapit na s'ya sa kanilang opisina.

Pagdating sa opisina ay dali-dali s'yang nagtungo sa CR para isinga ang pesteng kulangot sa sink (mahirap na kasi dukutin yun). Alam n'yang naisinga n'ya yun pero nakakapagtakang wala ito sa sink. Chineck n'ya ang kanyang kamay. Wala. Chineck n'ya ang kanyang ilong. Wala na dun. Chineck n'ya ang kanyang mukha at buhok sa salamin. Wala parin. Lumabas s'ya ng CR na may takot sa kanyang puso, at tanong sa isipan na "Putang ina! San kaya napunta ang kulangot na yun?"

The End.

1 comment:

RoVee™ said...

once upon a time, nakarelate much ako jan. ^_^