Saturday, May 17, 2014

FUN SUMMER ACTIVITY

Sinubukan ko yung binili ni nanay na pampatay ng lamok (electric mosquito swatter). Mukha syang raketa ng tennis pero ang pinagkaiba, gawa sa plastic ang shaft at pinakaframe nya tapos metal yung net nya at pumuputok putok kapag nakakahuli ng lamok o langaw (exciting!). Kung hindi mo alam kung anong itsura nun, tignan mo nalang ang figure 1. Anlakas maka-texbook lol.

figure 1
Ang talino din ng nakaimbento nito e no? Pero mas matalino ata yung mga lamok samin kasi wala akong napatay kahit isa. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi walang lamok sa bahay o maiinis kasi napagod lang ako paikot-ikot sa bahay para lang matesting kung nakakakuryente talaga to ng lamok kaso wala kong napatay e.

Magiging masayang laro siguro talaga ang pagkuryente ng lamok, langaw at pusa (joke lang PETA. peace!) kaya gumawa ako ng mga laro gamit ang device na 'to. Nakapatay ka na ng mga peste, nakapagburn ka pa ng calories. Oha? Enjoy talaga promise!

GAME 1: 
Simple lang ang mechanics. Paramihan lang ng langaw at lamok na mapapatay within a certain period of time (eg. 3 days). At para hindi tayo kapusin sa langaw at lamok, sa farm maglalaro kayo. Naks! Farm. Babuyan o kaya manukan. Pero kung gusto n'yo sa tambakan ng basura, ok lang naman sa'kin.

GAME 2:
Kung ayaw n'yo ng outdoor e pwede naman tayong maglaro kahit sa loob nalang ng bahay n'yo. Kumuha lang ng manipis na stick (yung pangfishbols) tapos dumukot ng kulangot at ilagay sa dulo ng stick. Dapat yung basa-basa pa ah.

Ang game na 'to ay susukat ng inyong katapangan at matinding konsentrasyon. Idududot lang ang stick na may kulangot sa mahiwagang swatter at points ng kalaban kada magugulat ka sa pagputok-putok ng nasabing aparato. Parusa sa matatalo ay kakainin n'ya ang kulangot. Lol! Joke lang. Sasampalin lang ng swatter. Ahaha!

GAME 3:
Eto pinakamasaya.

Kung nandidiri kayo sa stick at kulangot, papalitan natin yun ng mga daliri n'yo.

Yun lang. Enjoy! Bye.

No comments: