Saturday, May 10, 2014

PAANO MAGTAPAT NG PAG-IBIG

Hanggang ngayon ba single ka parin? Torpe much? Natatakot at hindi makalapit sa crush at hindi maipagtapat ang iyong nararamdaman? E paano nga ba magtapat ng pag-ibig o paghanga sa taong iyong nagugustuhan?

Aba malay ko ba d'yan. Mas marami pang katanungan na mas mahirap sagutin kesa sa love love na yan nu. Tulad nalang ng mga sumusunod:
  • Paano mo sasabihin sa kausap mo na ambaho ng hininga niya? Yung mabahong paa 'di pa masyadong sampal sa pagkatao kapag sinabi mo e.
  • Paano mo sasabihin sa kaibigan mo na may putok siya? Kahit may halong concern yun e masasaktan parin siya. Papadalhan mo nalang ba siya anonymously ng deodorant sa bahay nila na may note na "may putok ka friend. get well soon. labyu"?
  • Paano mo sasabihin sa kaklase mo na may kulangot na nakadungaw sa ilong siya? Nakakadiri 'di ba? Baka forever siyang mahiya sa'yo kapag sinabi mo. 
  • Paano mo sasabihin sa katrabaho mong babae na bakat yung utong niya? Concern lang sa dignidad niya lol.
  • Paano mo sasabihin sa matagal mo nang crush na ang kapal ng buhok niya sa kili-kili? (Another story) 
See? Mas madami pang mabigat na problemang kinakaharap ang bansa natin kesa sa problema mo tungkol sa crush mo. Pero kung gusto mo talaga magtapat sa crush mo edi gawin mo. Wala ng pero pero at baka baka. Lakasan lang ng loob yan. Baboo! 


No comments: