Thursday, June 05, 2014

SARAP MANAKIT NG TAO

Dahil pasukan na naman sa eskwela, wala akong post na related dyan. E ano bang ikukuwento ko tungkol sa naging buhay estudyante ko? Huwag na natin sariwain ang mga nagdaang panahon. Naghilom na ang mga sugat ng kahapon. lol

Kahapon pala may walang magawa sa buhay na naligaw sa blog ko. At nag-iwan siya ng touching na mensahe sa comment section.


Aba! Hindi ko na kailangan magtulak ng kariton sa ilalim ng tirik na araw para magkapera. Pwede na ko kumita habang inienjoy ang time kasama ang Family at "Lovedones". Syempre chineck ko muna ang profile nya.


Hindi naman sa mapanghusga pero mapanghusga talaga ko. Sa tingin nya ba mahuhulog pa ko sa ganyan? Hello?!

1 comment:

JoboFlores said...

magkano naman daw kita ? bahahahaha