Saturday, June 28, 2014

WER NA U

Nasaan na kaya yung mga blogger na hindi na nakakapag-update ng blog nila. Yung tipong active na active magpost tapos bigla nalang mawawala ng isang linggo tapos lilipas ang buwan hanggang hindi mo mamalayan e taon na.

Baka masyado nang busy sa totoong mundo. Baka madaming ginagawa sa trabaho tapos pag-uwi sa bahay kakain nalang at matutulog. Wala ng panahon para silipin ang internet.

O baka naman may bago na silang pinagkakaabalahan. Yung mas masaya pa sa pagsusulat na konti lang naman talaga ang nagbabasa. Sana hindi masamang bisyo tulad ng Ragnarok.

Pwede ding napagod na sila sa pagsusulat o kaya nakalimutan yung password ng account. O kaya nadeds? May nakwento narin si M sa'kin tungkol sa mga blogger na nategi na.

Hanggang kelan ba 'ko magkakalat ng tae sa internet? Hindi ko din alam. Hindi ko din masasabi na habang buhay ba 'to. Kaya 'pag 'di na 'ko nakapagpost nang mahabang panahon baka deds na  ko.... o kaya nagraragnarok.

Kdot bye.

2 comments:

RoVee™ said...

Ragna pa rin ba uso ngaun hehehe ^_^

anu na, tagal ko ring antay mga posts mo eh, ngaun lang uli.. wag ko sanang mabalitaan na deds ka na, tatadyakan kita (feeling close)


LOL

eligadz said...

ahaha salamat sa laging pagbisita at pagbabasa :)