Tuesday, August 26, 2014

21 FACTS ABOUT ME

Muntik na ba kayong masuka? Sorry guys. Hehe. Dahil birthday ko ilang araw lang ang nakakaraan e maglilista ako ng 21 random facts about me. Pagpasensyahan nyo na ko.

nakaw sa internet

1. Marunong ako magsplit nung bata pa 'ko. lol
2. Nabanlian ako ng kumukulong tubig sa dibdib hanggang tiyan nung Grade 3. Buti hindi daw umabot sa titi ko. Yun talaga ang concern nila.
3. Kunwari marunong ako ng taekwando para di mabully nung first year hayskul.
4. 2013 lang ako natuto magsimba.
5. Hindi ako kumakain ng bayabas. Sa sinigang man o yung mismong prutas lang.
6. Nung bata pa ko, may nakita akong alien nang minsang isama ako ng nanay ko sa women's C.R.
7. Tumatakas ako sa pagki-cleaners nung elementary. (Sino bang hindi?)
8. Crush ko yung teacher ko nung kinder. Ngayon ko lang narealize na anchaka nya.
9. Paborito ko dati yung hilaw na Ma Ling.
10. Nagtataka ako nung bata pa ko kung pano nakapasok yung mga tao sa TV.
11. May crush ako buong elementary, naging kaklase ko siya nang hayskul, gumuho ang lahat nang makita kong mas makapal pa buhok nya sa kili-kili kesa sa'kin.
12. Mahilig ako sa babaeng malalaki yung mata.
13. Ayoko ng Zesto mango dati. Lasang panis. Ayoko din ng Sarsi tsaka sweetcorn na chichiria. Nasusuka ako sa amoy.
14. Iniiwasan ko yung Principal's Office nung elementary kasi baka chupain ako ng assistant principal. Takot na takot talaga ko nung nagpa-stapler ako ng test paper dun.
15. Malikot ako matulog hanggang ngayon.
16. Mahilig ako magsulat ng kung anu-ano, pangalan ko madalas.
17. Fan ako ni Raimund Marasigan. Sumasayaw ako sa mga kanta ng Sandwich kapag mag-isa lang sa bahay.
18. Bobo ako sa subtraction nung elementary. 
19. Mahilig ako sa dinosaur, robot at outer space thingy. 
20. Madalas ako makasira ng gamit dati. Masisira lang, matataon pa na ako ang gumagamit. Malas.
21. Hindi ko sinasabi kung kelan bday ko kaya walang bumabati sa'kin.

Dats ol. Hehe. Last na 'to para sa buwan ng Agosto. TCA guys.

3 comments:

Sepsep said...

Belated happy 21st birthday!

I assumed na 21 ka na because of the post. I hope I'm not mistaken. ;)

RoVee™ said...

21 ka lang pala.. parang hindi hehehe ^^


anyways, peeburpday =)

eligadz said...

haha. nahiya naman ako bigla. mahigit 21 na ko :D isipin nalang natin na 21 lang ako hoho. thank you 2 followers. totoo na yan.