Sunday, August 24, 2014

3 PINAKATAPAT NA SALAMIN

Kung merong "3 pinakasinungaling na salamin", syempre meron ding 3 nakakainis pinakatapat na salamin (ow yes!)  Kaya kung nagagandahan o nagagwapuhan ka na sa sarili mo, better take another glance sa mga salamin na sasabihin ko. Ready?


1. Salamin sa pressed powder

Kinakailangan na medyo malapit siya sa mukha mo sa tuwing gagamitin kaya MAS makikita mo ang KATOTOHANAN. So, apply pa more ng fawndeyshen o ng folvo kung sakaling masaklap ang katotohanan.

2. Side mirror ng jeep


Minsan mapapashit ka nalang e. Dito mo makikita kung gano kaoily yung mukha mo lalo na kapag tatamaan ka ng sikat ng araw. *shinggg*  Umalis ka ng bahay nyo nakapustura at may paniniwalang ang gwapo-gwapo mo o ang ganda-ganda mo tapos pagsakay mo sa harapan ng jeep, titingin ka sa side mirror, ang panget mo pala. Well, masakit talaga tanggapin ang katotohanan sa una pero masasanay ka din. Tignan mo si Kuya sa litrato, mukhang siko pero mukhang masaya naman siya. (I hope so.)

3. Salamin sa CR ng opisina nyo



Maliwanag na CR, walang mapanlinlang na ilaw, pawang katotohanan lang. Kaya kung feeling mo haggardness na ang lolah mo, haggardness nga ang makikita mo sa tuwing magsasalamin ka dito. Kaya nga antagal ng mga babae sa CR e.

Panawagan po sa mga babae, kung may kasama kayong naghihintay sa labas, paki-bilisan po ang pagre-retouch, please. Thank you.
. . .

And there you have it. Sana ay madami kayong natutunan lol. Yun lang. Babye!

Disclaimer: Photos used in this entry are not mine. I just make it nakaw somewhere over the intarnet. Peace yo!

2 comments:

RoVee™ said...

haha alam mo nakakatawa ka talga ^^

eligadz said...

hehe thank you