Friday, August 08, 2014

CR NG SCHOOL

Noong  unang panahon, uso na ang mga terror na teacher. At isa na doon si Ms. Palacpac.

Si Ms. Palacpac ay isang matandang dalaga, walang katuwang sa buhay at namumuhay nang mag-isa sa kanyang inuupahang lumang apartment. Kung ilalarawan si Ms. Palacpac, siya ay payat na matangkad, may mahaba pero manipis na buhok, hindi naglalagay ng make-up at may salamin. Ayon sa mga dati niyang estudyante, ang naturang guro ay napakasungit at talagang matatakot ka kapag ika'y kanyang tinitigan ng masama. Pero maituturing na isa siya sa mga magagaling na guro sa eskwelahang kanyang pinapasukan.

Isang araw, ginabi na sa eskwelahan si Ms. Palacpac sa dami ng trabahong kailangang tapusin. Siya nalang ang naiwan doon bukod sa janitor na siya ding caretaker ng paaralan. Bago umuwi ay nagtungo muna si Ms. Palacpac sa CR para umihi. Pero bago pa siya makapasok sa mismong cubicle, siya ay nadulas. Humampas ang kanyang ulo sa tiles na sahig at umagos ang masaganang dugo. Sabay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagkaulirat pa si Ms. Palacpac pero dahil sa lakas ng buhos ng ulan walang nakarinig ng kanyang pagtangis at paghingi ng tulong.

Kinabukasan na nang makita si Ms. Palacpac sa CR, wala ng buhay. Nagkalat ang dugo sa sahig. Namatay siya sa dami ng dugong nawala sa kanya. Namatay siya nang may hinagpis dahil walang tumulong sa kanya.

Kaya tuwing hatinggabi, sa kalaliman ng pagtulog ng karamihan, may ingay na maririnig sa naturang CR kung saan namatay si Ms. Palapac.

https://soundcloud.com/eligadz/mspalacpac

The End

                                                                                    

Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Itong disclaimer ko naman kinopya ko lang sa wikipedia. Thanks. Bye.


2 comments:

RoVee™ said...

grabe naman yang kwento mo... =(

naasar ako bigla hahaha

Sepsep said...

Kawawa naman si Ms. Palacpac. :(

Buti fiction lang 'to.