Sunday, September 21, 2014

BANGUNGOT #2: WET DREAMS

Actually, di naman talaga siya bangungot pero somehow gusto ko siya isama sa listahan ng mga panaginip na ayoko nang maulit pa.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko kanina? Nanaginip kasi ako na ang laki daw ng mga ngipin ko pati gums. Yung tipong ang hirap hirap isara ng bibig mo. Halos mabulunan na nga ko maisara lang bibig ko e. Pero pagkasara, bubukas din agad. Ramdam na ramdam ko talaga yung hirap.  Para akong nakasuot ng laruang ngipin ng bampira.


Sa kakapilit ko isara ang bibig ko, napuno ng laway yung bibig ko kaya dinura ko agad sa kanal na nakita ko. Eh pucha! Alam ko na sa sarili ko na panaginip lang yun kaya gumising agad ako. Ayun, basa ang higaan at magpapalit na ng punda.

The End

No comments: