Friday, September 26, 2014

SLUMBOOK MO MUKHA MO: ABBIE

Nakilala ko si Abbie last year sa internet, may common cyberfriend kasi kami. Nagsimula sa usapan (ako yung nagtanong) tungkol sa dermatograph pencil hanggang magkafollowan na sa Tumblr. Elibs ako dito sa babeng to. Nung nagsabog si God ng talino at talento sa mundo, nasa bubong yata siya. Isang patunay na may matinong tao sa Tumblr lol. Ambait niya pa kasi sumagot siya sa slumbook ko. #maynautoakoyes


Kung 'di ako nagkakamali e isa siya sa mga nagtatag ng Sketch Party PH last year, kung san e hanggang ngayon 'di pa ako nakakapunta. Laging "muntik na" kaso di pinapayagan ng magulang pagkakataon. Gusto ko talaga sumali, pramis. Sayang talaga.

Eniweys, Maligayang kaarawan Abbie! Heypi heypi bortdey! Hindi tayo close kaya 'di kita mababati kahit sa facebook man lang (hiya ako e) kaya dito nalang.. yun e kung maliligaw ka dito lol. Di ba ayaw mo ng mga ganitong uri ng literatura? Haha. Baboo.

1 comment:

Sepsep said...

Na-meet ko na si Abbie once before. Mahiyain sa una pero cool and game naman siya. :)