Sunday, October 05, 2014

PAROL NG PAGKAKAIBIGAN


(c) ninjaturtlestew
Amoy mo na ba ang simoy ng nalalapit na kapaskuhan? Yung kapitbahay namin may parol at christmas lights na kahit August palang. Ganon sila kaaga.

Naalala ko yung pinaproject samin na parol nung Grade 6. Gagawin daw dekorasyon sa bahay ni teacher classroom. Hinati-hati ang klase namin at tig-limang miyembro sa isang grupo, puro kami lalaki; si Niqquo (RIP pre), si Jerry, ako at dalawang iba pa.

Nakapag-ambagan na para sa mga materyales na gagamitin. Napagkasunduan na sa bahay nila Niqquo kami gagawa ng parol. Mataas ang bahay nila, apat na floor, mas mataas pa sa eskwelahan namin. Handa na ang lahat ng kailangan sa paggawa ng parol; kawayan, goma, tali, scotch tape, gluestick, kung anu-ano pang pandikit, papel de hapon at cellophane.

Lahat kami di alam kung pano sisimulan ang paggawa ng parol kaya nauwi nalang sa pagkuwentuhan at paglalaro (as usual. Nilaro namin yung isa sa pinakapaborito naming laro, ang LUKSONG BAKA. Sa mga hindi nakakaalam ng luksong baka, baka puro kayo Thunder Cats at PlayStation 1 nung kabataan niyo.

Yung kaklase namin na si Niqquo nga pala ay medyo isip bata (grade 6 na kami nun ah) at sadyang mapagbiro. One time, siya na yung taya sa luksong baka at turn na ni Jerry para lumukso. Pagkalukso ni Jerry bigla namang umupo si Niqquo. Ewan ko ba kay Jerry kung bakit pasubsob yung lukso niya at wala pang tukod na kamay, ayun nangungod tuloy yung mukha niya sa baku-bakong semento ng rooftop.

Dali-dali naming binangon si Jerry at nagimbal kami sa nangyari sa kanya. Napingas yung nguso niya, as in nabiyak talaga. PUNIT. Andaming dugo at umiiyak si Jerry. Kami naman nagulat. Syempre bilang mga kaibigan niya, alam naming mashashock din siya sa nangyari sa mukha niya kaya di namin pinakita sa kanya...... Joke.! Pinakita namin sa salamin. Ayun umiyak lalo.

Dahil kasalanan naman ni Niqquo yun at mayaman naman sila, sinagot ng pamilya niya ang pagpapagamot at pagpapatahi ng napingas na nguso ni Jerry. At bumalik sa normal ang aming pagkakaibigan at nguso ni Jerry.

Yung parol naman namin hindi na nagawa. Bumili nalang kami ng gawa na sa talipapa at saka nilagayan ng dekorasyon at mga palamuti. Bonggacious!

The End

1 comment:

Senyor Iskwater said...

nakakatuwa naman at parang hindi naman talaga ang parol ang bida sa kwento! kawawa si jerry. maalala ko 'tong kwento mo sa twing may makikita akong pingas ang nguso! hehe