Monday, November 24, 2014

MMK: TYANE

Nakapagbunot ka na ba ng buhok sa kili-kili? Malamang oo kung babae ka. Eh sa kili-kili ng iba?

Gabi na noon, hindi ko alam kung anong nakain ni nanay at naisipan magbunot ng buhok sa kili-kili. Nangangati siguro kili-kili niya. Pumunta kami kela tita, halos isang bahay lang ang layo samin, at nanghiram si nanay ng tyane.

Syempre kwentuhan sila habang napipilipit yung leeg ni nanay habang nagbubunot ng sariling buhok sa kili-kili. Parang ako nga nahihirapan para sa kanya e. At dahil likas sa akin ang pagiging matulungin na anak, nagprisinta ako kay nanay na ako nalang ang magbubunot para sa kanya at pinaunlakan naman niya ako.

Sus! Champion kaya ako sa bente singko sentimos per uban, gamit lang ang abo ng sigarilyo kaya sisiw lang sakin 'to.

"Aray ko!!! Putang ina mo! Umuwi ka nalang nga baka masampal pa kita dito!"

Bulyaw sa'kin ni nanay nung maipit ko yung balat ng kili-kili niya sa halip na yung buhok haha. Nangitim pa kaya galit na galit sa'kin si nanay. lol


The End

No comments: