Sunday, February 23, 2014

HOME ALONE

May magsyotang nag-uusap sa jeep..

Girl: Kailangan ko umuwi agad walang tao sa bahay nila Tita.
 Boy: Walang tao kela Tita mo?
Girl: Oh bakit ganyan yung ngiti mo?

Friday, February 21, 2014

KAMASUPRA

Noong isang araw, nagpadrawing sa'kin yung pamangkin ko (anak ng pinsan ko). Isang pusa at isang oso na nag-uusap sa kagubatan. Hindi naman ako masyado nahirapan kahit hatinggabi ko na nagawa yun kasi may kopyahan naman sa libro niya.

Kanina sinabi niya sa'kin na 90 daw yung grade na binigay ng guro niya sa drawing niya na ako ang nagdrawing.

Tuesday, February 11, 2014

TEST OF FAITH

Andami talagang distractions kapag nasa Simbahan ka. Meron dyang magsyotang naglalandian lang, mga matatandang nagkukwentuhan lang, mga batang naghahabulan at naglalaro, at may mga taong may mga kakaibang eksena.

Noong Linggo ng umaga, may nakita akong magandang binibini sa loob ng Simbahan. Nakapwesto siya sa pangatlong upuan at ako naman ay nasa panglima. As usual, kapag katatapos lang ng misa e konti nalang ang mga tao, kaya kitang kita ko siya. Nakasuot sya ng cream na long sleeve shirt. Ang ganda niya. Parang slowmo yung paghawi niya ng buhok habang tinitignan ko siya. Hanggang sa itinali na niya ang kanyang straight at makintab na buhok gamit ang dalawang kamay.

Monday, February 03, 2014

CONCEPCION

Ang ganda ni Ate na nakasakay ko sa tricycle. Nasa gitna namin s'ya ni Manong Drayber, kaya naaamoy ko pa ang mabango at makintab nyang buhok. Maputi din si Ate at impernes, makinis.

Nang bababa na si Ate nagwika s'ya kay Manong ng,

Sunday, February 02, 2014

THE BEAST WITHIN

Aminin mo sa sarili mo, kahit gano ka kagutom kapag kumain ka sa labas dapat may poise parin tapos con todo kutsara't tinidor pa kahit manok na mabuto ang inorder. At hindi yan umiinom ng tubig, coke o iced tea nang hindi naka-straw.