Saturday, March 29, 2014

Diary ng mga Shunga

Kahapon, nabasa ng kaibigan ko yung post ko na "Diary ng Bulag" at
nag-aya syang panoorin namin ang Diary ng Panget. At dahil wala naman syang pasok ngayon at pwede naman ako maglakwatsa ng umaga, isinagawa namin ang pagpunta sa SM para manood ng sine.

Shutanginames! Puro Captain America! As in lahat ng cinemas, pwera lang dun sa isa na sounds like "Detergent" (hindi ko matandaan yung title ng movie). Hindi pa pala showing yung DNP kaya ang ending, kumain nalang kami sa Home of the Chinese-style Fried Chicken tapos nag-aksaya ng pera sa Quantum. Nakakaurat yung sa isang laro dun, puro sa 1 ticket nalalaglag yung bola. Hmp! Buti nalang magaling sumayaw si Koya.


Sya nga pala, hindi masarap yung fried siopao sa Dimsum Frito. Sayang pera. Sarap makipagsuntukan nalang e.

Tuesday, March 25, 2014

Diary ng Bulag

Syete! Akala ko talaga si Kathryn Bernardo yung bida sa Diary ng Panget The Movie. Si Nadine Lustre pala yun. Wait lang. Sino nga ulit sya? Nadine Lustre? Hindi ko sya kilala. Duh. Pero inpernes, magaling sya “umarte” ah, parang si Chichay lang din na maarte.

Wednesday, March 19, 2014

LOVELIFE

Napakapakialamero ko talaga, lalo na pagdating sa lovelife ng mga organismong nakakasalamuha ko. Mula sa prof. namin sa Field Study na matandang dalaga hanggang sa mga kakilala kong 'di ko nakitang nagkajowa. Siguro lumaki lang ako sa ideyang lahat tayo ay dapat umibig, magkaasawa, magkaanak at bumuo ng isang masayang pamilya. Nakakalungkot isipin na wala kang asawa na makakasama o anak o kahit sinong katuwang sa pagtanda. Awwwww.

Tuesday, March 18, 2014

JEPROKS

College na kami noon pero pinagbabawala parin ang pagpapahaba ng buhok. KJ. Halos lahat ng mga naging prof ko pinagsabihan ako pero wala rin silang napala. Feeling ko nagsawa nalang sila kakasaway sakin. Haha.


Friday, March 14, 2014

BS PSYCHOLOGY

Dapat pala ginaya ko nalang yung kinuhang kurso ng ate ko nung college, BS Psychology. Edi pwede rin akong maging HR sa mga kumpanya. Parang mas masarap kasi mag-interview kesa sumagot. Tapos hahaluan ko ng mga kalokohan yung mga tanong ko para maaning-aning yung mga aplikante wahahaha.