Friday, April 25, 2014

BUBOT NA KINABUKASAN

Ang drawing na 'to ay ipinakita at kinuwento sa'kin ng isa kong kaklase noong hayskul pa. Bale kelan lang yun, mga 1993 siguro lol. Itago nalang natin s'ya sa pangalang "Baho". Yan ang bansag sa kanya dati kasi ambaho n'ya magrap. May ideya ka ba kung ano 'tong nasa drawing?

Monday, April 21, 2014

RANDOM MONDAY

Eh ano bang bago sa’kin? Random naman ako lagi. Hays. Well deepwell, nakakapagod talaga ‘tong Lunes na ‘to. Idagdag mo pa yung init ng panahon pati yung mga amoy summer! Woooh! Fresh air maygad!

Antagal na pala kumuha ngayon ng NBI clearance ‘no? O peek season lang talaga ngayon? Sinamahan ko kasi si gelpren kumuha ng NBI clearance kaninang umaga at mantakin mo 8am palang ang haba na ng pila, halos dalawang oras akong naghintay sa labas. Hindi kasi pwede pumasok sa loob yung mga epal/sidekick/jowa/whatever.

Wednesday, April 16, 2014

METHOLATED HOTDOG

Kahapon medyo nagloko yung tiyan ko. Buti nalang marunong magpakitang-tao tong pwet ko, hindi nauutot kapag nasa maraming tao. Pag-uwi sa bahay doon lang nagsilabasan ang mga sama ng loob na kinimkim.

Monday, April 14, 2014

EDUCATIONAL TOOL ANG FACEBOOK

Yes! You read it right! Napakagaling talaga ng gumawa ng Facebook. As in andami mong matututunan. Kanina lang may nalaman akong, may isang medyo may-edad na at pamilyadong  negosyante na ubod ng yaman ang nakabuntis ng isang napaka-ganda at batang-batang model. Oh di ba? Educational! Toldyah!

Friday, April 11, 2014

MGA BAGAY NA DAPAT I-CONSIDER BAGO MAGRESIGN SA TRABAHO

Hindi ka na ba masaya sa iyong trabaho? Madaming hindi kasundo? Gusto ng mas mataas na sahod? O gusto lang ng mas mahabang oras kapiling ang mga mahal sa buhay? Pwes, bago ka magresign ay may mga bagay lang na gusto  kong sabihin sa'yo.

Tuesday, April 08, 2014

SHORT STORY

Disclaimer: Ang istoryang inyong mababasa ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay pawang nagkataon lang. Hindi ko po s'ya karanasan. PROMISE.

Nakaalis na si Pedro papunta sa kanyang pinapasukang trabaho nang maalala n'ya na hindi pala s'ya nakapangulangot sa bahay. Parte yun ng kanyang daily routine pagkatapos maligo, ang mangulangot. Habang nasa loob ng jeep, naramdaman n'yang may laman ang kanyang ilong at tinatayang isa itong malaking tipak ng kulangot. Balisa si Pedro. Hindi kasi s'ya sanay mangulangot sa mga pampublikong lugar.