Thursday, May 22, 2014

BAVARIAN FILLING

Kapag mahirap ka, hindi mo na maiisip magplano pa ng bonggang wedding proposal. Kadalasan nga wala naman talagang ganun, diretso pamamanhikan na tapos kasal. Gastos lang kasi yun. Sa panahon ngayon dapat maging praktikal.

Pero kung lango ka sa pag-ibig at nangangarap ka ng isang bonggang wedding proposal balang araw sa gelpren mo, congrats! Isa kang alipin ng pag-ibig.

Eh ang tanong: Paano kung mag-NO si girlfriend? Nakakatakot 'di ba? Huwag kang mag-alala may naisip akong magandang strategy. Lahat ng bagay nagiging maganda ang resulta basta tama ang timing.

Wednesday, May 21, 2014

EAGLES

3 sets ng panaginip. Hindi ko na matandaan yung buong kwento ng bawat isa.

#1 Babae with aso

Sa pagkakaalala ko wholesome naman yung kwento pero chinichix ko yung babae gamit yung aso.

#2 Pinsan kong si Tisay at ang kanyang madilim na kwarto

Sa panaginip ko parang ayaw niyang lumabas ng kwarto niya. Gusto niya laging mapag-isa sa kwarto niyang madilim.

#3 Gelpren at inventory

Pinipilit niya kong sumakay nalang ng tren instead na mag-eroplano papunta sa Makati para mag-inventory. Tinatanong ko din sarili ko ngayon kung inventory ng ano yung gagawin ko. Magbobote lang naman ako sa totoong buhay. 

. . .

Nagising ako nang alas-singko ng madaling araw. Kada hihiga ako, naririnig ko yung pinsan ko na nakikipagtalo sa gf niya sa telepono. Hindi malinaw pero naririnig ko yung boses niya. Isang oras din bago ako nakatulog ulit pagkatapos magsoundtrip.

Tuesday, May 20, 2014

BANGUNGOT #36

Nakakatakot yung panaginip ko kagabi. Pinipilit ako makasex ng kapitbahay naming babae na panget. Takot na takot talaga ko. Kahit san ako tumakbo hinahabol niya ko. Nagtago na ko sa kisame, andun parin siya. Nakahubo na nga siya e tapos inooffer ang kanyang.. eeew. Masama man manakit ng tao pero yun na talaga yung huling paraan na naiisip ko para tumigil siya. Binugbog ko siya pero mas malakas siya sakin.

Saturday, May 17, 2014

FUN SUMMER ACTIVITY

Sinubukan ko yung binili ni nanay na pampatay ng lamok (electric mosquito swatter). Mukha syang raketa ng tennis pero ang pinagkaiba, gawa sa plastic ang shaft at pinakaframe nya tapos metal yung net nya at pumuputok putok kapag nakakahuli ng lamok o langaw (exciting!). Kung hindi mo alam kung anong itsura nun, tignan mo nalang ang figure 1. Anlakas maka-texbook lol.

Thursday, May 15, 2014

READY, AIM, SLAP!

Nakagawa na 'ko ng stickers.

Nakapagprint na 'ko.

Nagupit ko narin s'ya kagabi.

Ready ng idikit kahit saan.

Wala lang.

Bye.

Sunday, May 11, 2014

HIYA AKO E

Kung meron mang showy samin, siguro lumalabas lang kapag galit. Pero kapag sweet nothings whatever, wala. Hind talaga kami nagbabatian ng happy birthday sa bahay. "Oy birthday mo ngayon ah!" Ganon lang.

At dahil ngayong Mother's Day, wala pa 'kong binabati na nanay haha. E nanay ko nga 'di ko pa nababati e. Pero binigay ko sa kanya yung sweldo ko at isang box ng ensaymada. Siguro matik na sa kanya yun na "Happy Mother's Day Nanay!". Tapos spaghetti galing sa fastfood naman para sa lola ko. Ok na siguro yun. Yihee


Saturday, May 10, 2014

PAANO MAGTAPAT NG PAG-IBIG

Hanggang ngayon ba single ka parin? Torpe much? Natatakot at hindi makalapit sa crush at hindi maipagtapat ang iyong nararamdaman? E paano nga ba magtapat ng pag-ibig o paghanga sa taong iyong nagugustuhan?

Friday, May 09, 2014

3 PINAKASINUNGALING NA SALAMIN

Sino bang walang bahid ng narcism sa katawan? Yung tipong 'pag may nakitang salamin (eg. bintana at side mirror ng kotse), e ichecheck agad ang status ng fes. Pasok din dito yung mga adik sa selfie (aka. selfie lords) pero hindi tungkol sa kanila ang post na ito. Base sa aking masusing pag-aaral sa galaw at pamumuhay ng mga tao (lol), nakapaglista ako ng "3 pinakasinungaling na salamin" sa Pilipinas at dito sila matatagpuan: