Sunday, June 29, 2014

MODERN DAY LOVE LETTER

Ang liham na inyong mababasa ay hindi pagmamay-ari ng inyong abang lingkod. Hindi ako ang receiver nito at lalong hindi ako ang sender. Ninakaw ko lang somewhere, u know. Wala akong binago kahit isang letra o tuldok. Hindi ko pa din sya masyado nababasa. Kayo nalang muna guys. Hihi.

Saturday, June 28, 2014

WER NA U

Nasaan na kaya yung mga blogger na hindi na nakakapag-update ng blog nila. Yung tipong active na active magpost tapos bigla nalang mawawala ng isang linggo tapos lilipas ang buwan hanggang hindi mo mamalayan e taon na.

Baka masyado nang busy sa totoong mundo. Baka madaming ginagawa sa trabaho tapos pag-uwi sa bahay kakain nalang at matutulog. Wala ng panahon para silipin ang internet.

O baka naman may bago na silang pinagkakaabalahan. Yung mas masaya pa sa pagsusulat na konti lang naman talaga ang nagbabasa. Sana hindi masamang bisyo tulad ng Ragnarok.

Pwede ding napagod na sila sa pagsusulat o kaya nakalimutan yung password ng account. O kaya nadeds? May nakwento narin si M sa'kin tungkol sa mga blogger na nategi na.

Hanggang kelan ba 'ko magkakalat ng tae sa internet? Hindi ko din alam. Hindi ko din masasabi na habang buhay ba 'to. Kaya 'pag 'di na 'ko nakapagpost nang mahabang panahon baka deds na  ko.... o kaya nagraragnarok.

Kdot bye.

Thursday, June 12, 2014

THROWBACK MO MUKHA MO

Speaking of tag-ulan, alam niyo ba mga bata na ang mga batang pumapasok sa eskwela dahil lang sa baon ay walang pinagkaiba sa mga politiko ng tumakbo para lang magpayaman? Syempre imbento ko lang yan.

Noong nag-aral ako ng Kinder, wala akong baon na pera. Malinaw pa sa aking alaala na waffer o hiro lang (mahal ang cream-o dati) tapos zesto orange ang laman ng lunchbox ko. Badtrip pa nga kapag zesto mango yung pinapabaon sakin. Ayoko kaya nun, lasang panis.

Elementary na 'ko nang pinagbaon ako ng pera. Tumataginting na sampung piso. Kung sasabihin ko sa'yo na malaki pa ang halaga ng sampu dati baka isipin mong matanda na 'ko kaya 'di ko nalang sasabihin. Malapit lang din naman sa'min ang eskwelahan at apat na oras lang ang klase kaya pwede na ang sampu. Sa sampung piso makakabili ka na ng tinapay na hugis triangle, hotdog, sopas at juice na tig-pipiso. Oo merong juice na piso lang. Iba pa 'to sa fruit juice na piso lang din at yung cola na flavor. Throwback puta! Haha.

Madaming tinda sa canteen namin na nilalagay sa isang tray tapos dinidistribute sa bawat room kapag recess na. Meron kamote, tinapay, dalandan, sopas, champorad, chikito, happy peanuts, snacku, tomi, orange na dilis, sugar coated na mani, tinapay at meron pang palamig nasa plastic na nakatali kaya di mo kailangan ng straw para sipsipin. Meron kaming kaklase na nabato ng bayabas dahil maingay tapos binalik sa tray ang bayabas at binenta parin.

Kapag 10am to 2pm yung pasok namin, hinahatiran nalang ako ng tanghalian ng nanay ko at sinusubuan pa 'ko habang pinapanood kami ng iba kong kaklase. Badtrip.

May mga kaklase din akong walang baon at mga nawawalan ng baon. Katulad nalang ni Ronalyn Geronda, nawalan ng isang daang piso. Big time right? Ayun, nangutang sa'kin ng para may pangrecess. Buti nalang may isang daan piso ako. Joke lang. Singkwenta lang ata pera ko ng araw na yun.

Noong hayskul na 'ko, 35 pesos na ang baon ko. Naks! Pero kasama na dyan yung pamasahe. Madalas kong binibili dati e Maling with rice and unli-ketchup at softdrinks. Solb na kapag ganon.

Ang madalas kong kasabay kumain noong unang taon sa hayskul ay si Nicolas. Anak siya ng nagtitinda ng Maling at rice. Dun kami kumakain sa kusina ng canteen. Kaya pag may tirang kanin sa kaldero, maling o kaya ibang ulam, tinitira namin. Syempre siya may pasimuno nun. Sa kanya ko din natutunan mag-ulam ng spaghetti. Salitan kasi kami sa pagbili ng maling at rice at ng spaghetti tapos bigayan nalang.

Maraming kwento sa canteen namin. Merong hotdog na tumatalon mula sa plato tapos dadamputin ulit para kainin tapos kaming nakakita e tahimik lang para di mahiya yung may-ari ng hotdog na yun. Sayang din naman kasi, nakakaisang kagat palang siya. May mga kaklase ako ng magnanakaw ng chichirya sa canteen, yung iba hindi nagbabayad sa mga rice meals tapos humihingi pa ng sukli. Meron ding nagsusugal habang kumakain, digit yung kadalasang sugal dati samin. May nag-aaway din, nagsusuntukan, nagpitikan ng ketchup sa polo gamit ang kutsara at  marami pang iba.

Unang araw sa kolehiyo, hindi ako pumasok, wala kasi akong baon hehe. Pero pangalawang araw pumasok naman ako. 75-100 pesos na baon ko nung college pero hindi ako madalas lumabas para kumain kapag breaktime. Noong mga unang taon, sumasabay pa ko, naghahanap kami ng masarap na kainan malapit sa school tapos nauuwi din sa chichirya at softdrinks. Hindi naman makakabusog kapag nagbreak kaya di nalang ako lumalabas. Tapos merong maghihintay ka lutuin yung order mong egg sandwich tapos di naman pala inaasikaso. Inuuna pa yung mga suki nyang panget. Sino bang matutuwa magbreak? Hayup yung matandang yun.

Eniweys, nung natuto ako magdota nung 4th year. Natuto narin ako magbaon kanin tapos sa labas nalang bibili ng ulam. Minsan pa nga kanin at ulam talaga baon ko tapos bibili lang ako ng softdrinks sa karinderya para pwede kumain dun lol. May pagkakataon din na dinadamihan ko yung kain tapos sagot na ng isa kong kaklase yung ulam. Lahat ng yun ginawa ko para makatipid. Wala pa dun yung naglalakad kami para makatipid sa pamasahe para may pangdota pagtapos ng klase o pag tinatamad kami sa klase lol. Pero every friday lang kami naglalaro ng dota kasi friday nalang pasok namin nun tapos puro duties na sa ojt.

Hays! Ansarap balikan ng mga masasayang alaala sa eskwela lalo na pagdating sa recess. Pwera lang sa matandang ginutom ako sa paghihintay sa order kong egg sandwich. Panget!

Wala naman sigurong estudyanteng walang taste na nagbabasa ng kagaguhan na to. Pero kung meron man, ang masasabi ko lang e masarap mag-aral lalo na kapag malaki baon mo malaki man o maliit ang baon mo. Aral mabuti at kumain sa bahay bago pumasok sa school para makatipid. Oh may panlaro ka pag-uwi mo. Babye! :)

Thursday, June 05, 2014

SARAP MANAKIT NG TAO

Dahil pasukan na naman sa eskwela, wala akong post na related dyan. E ano bang ikukuwento ko tungkol sa naging buhay estudyante ko? Huwag na natin sariwain ang mga nagdaang panahon. Naghilom na ang mga sugat ng kahapon. lol

Kahapon pala may walang magawa sa buhay na naligaw sa blog ko. At nag-iwan siya ng touching na mensahe sa comment section.