Saturday, July 26, 2014

SELFIE 360

Ang dami talagang kabataan ngayon ang naaadik sa selfie. At isa na dun ang friend ko sa isa kong facebook account ('wag mo na tanungin kung para san yun). Hindi talaga kami personal na magkakilala, in-add ko lang siya kasi ang cute niya.

Thursday, July 24, 2014

HELLO TAGA-MOTHER RUSSIA

Tortol
Acrylic on wat'rcolahr peypah baby oh yeah


Nitong mga nakaraang araw, masyado akong inspirado magdrawing at magkulay. Salamat sa mga iniidolo ko lalo na si Dingding. Tsaka sayang naman yung mga brush at pintura sa bahay kung hindi magagamit. He. He. He. Wala lang. Babye.

Saturday, July 05, 2014

ISYU #71: KARERA

Allergic talaga ko sa mga "class reunion". Hangga't maaari e hindi talaga pumupunta sa mga ganyan. Sa mga simpleng pagkikita-kita nga namin ng mga dating magkakaklase e inuunahan ko na sila na sana 'wag naming pag-usapan yung tungkol sa "trabaho" baka masipa ko sila, nakakastress jusko.

Isa sa mga main reasons kung bakit ayoko pumunta sa class reunion e manliliit lang ako. Ikahihiya ko lang yung sarili 'ko. Though marangal naman na hanapbuhay ang pagbobote, pero men.. ah basta! Malapit na nga 'kong magbenta ng laman e, yumaman lang. Pm me lol.

Sabihan ng achievements. Yan talaga yung main goal ng class reunions e, next nalang yung para magkita-kita kayo ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Syempre, payabangan ng mga narating at naimpundar so far. Mapapapukingina ka nalang kapag nalaman mo na mas asensado pa sayo yung kaklase mo na nangongopya lang sa'yo dati. Pukingina talaga!

Sa muli niyong pagkikita e bigtaym na mga kaklase mong mukhang tanga at amoy anghit pa nung hayskul. Meron kang mga kaklase na mga ganap ng propesyonal at may malaking sahod, sa ibang bansa na nakatira, may namimili lang ng worcestershire sauce sa hongkong, at may magandang asawa.

Syempre pagkatapos ng mga magagandang kinahantungan ng mga buhay ng iba e, mawawala ba yung mga nasirang buhay o sabihin na nating hindi kagandahan. Si ganito lumuwag na yung turnilyo kakaadik. Si ganyan naman madami ng anak, losyang na. Si ano ampanget na, 'di ba ang ganda nun dati? Ay si putangina lalong pumanget ngayon, sarap parin sapakin.

Konting tawa, konting buntong hininga tapos uwian na. Pukingina lang talaga.


BAD NEWS

Ok guys, serbisyo publiko muna tayo. Nananawagan ako sa mga taong nasa litrato na 'to. Guys, nabuking na kayo ni Mrs. Legal Wife. Huwag niyo na alamin kung paano. Ingats nalang ah. Bye!