Tuesday, September 30, 2014

PANGARAP KA NALANG BA?

Lagi mo siyang pinagmamasdan sa malayo tuwing nadaan ka sa kanila. Sinasambit sa sarili ang mga katagang "magiging akin ka din balang araw." Pero nang dumating na ang tamang pagkakataon at sandaling nais mo na siyang angkinin ay biglang....

Friday, September 26, 2014

SLUMBOOK MO MUKHA MO: ABBIE

Nakilala ko si Abbie last year sa internet, may common cyberfriend kasi kami. Nagsimula sa usapan (ako yung nagtanong) tungkol sa dermatograph pencil hanggang magkafollowan na sa Tumblr. Elibs ako dito sa babeng to. Nung nagsabog si God ng talino at talento sa mundo, nasa bubong yata siya. Isang patunay na may matinong tao sa Tumblr lol. Ambait niya pa kasi sumagot siya sa slumbook ko. #maynautoakoyes

Sunday, September 21, 2014

BANGUNGOT #2: WET DREAMS

Actually, di naman talaga siya bangungot pero somehow gusto ko siya isama sa listahan ng mga panaginip na ayoko nang maulit pa.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko kanina? Nanaginip kasi ako na ang laki daw ng mga ngipin ko pati gums. Yung tipong ang hirap hirap isara ng bibig mo. Halos mabulunan na nga ko maisara lang bibig ko e. Pero pagkasara, bubukas din agad. Ramdam na ramdam ko talaga yung hirap.  Para akong nakasuot ng laruang ngipin ng bampira.


Sa kakapilit ko isara ang bibig ko, napuno ng laway yung bibig ko kaya dinura ko agad sa kanal na nakita ko. Eh pucha! Alam ko na sa sarili ko na panaginip lang yun kaya gumising agad ako. Ayun, basa ang higaan at magpapalit na ng punda.

The End

Thursday, September 18, 2014

TECHNOLOGY

Ang internet ay talagang kapaki-pakinabang. Repeat after me.

Sa dami ng pakinabang niya sa buhay ng tao ay tatamarin ka ng isa-isahin ito sa blogpost mo. Alam niyo rin ba na allergic ako magpakuha ng litrato? Kaya talagang nagpapasalamat ako sa internet at may nakita akong kamukha ko. Hindi ko na kailangan magpicture gamit tong lowtech kong cp para may iupload.