Tuesday, December 30, 2014

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO

Bakit ba masyadong mapupusok ang mga kabataan ngayon? Masyadong nagmamadali lalo na pagdating sa pag-ibig. Atat na atat magkalovelife. Magkatitigan lang sa canteen o kaya mabangga lang yung dede habang naglalakad sa corridor e feeling nila "umiibig" na sila. Pagtapos e papangarapin na nila maging bf/gf sabay google kung paano magtapat ng pag-ibig.

Eh gaano ka ba nakasisiguro na pag-ibig nga yang nararamdaman mo? Baka naman magaling lang siya magbasketball o sumayaw? Pwede ding maputi lang siya o kaya malaki ang boobs kaya mo nasabing mahal mo na siya? Paano mo ba masasabi na tunay ka na ngang umiibig?

Sunday, December 28, 2014

OWWW HONEY, THANK YOU! I LIKE IT!

Iba talaga ang nagagawa ng 10% discount sa mga malls. Napakalaking tulong sa buhay ng isang tao. Eh pano pa kaya pag  50%? Halos magpukpukan na ng mga sapatos kahapon sa Department Store.

Kaya thank you Mr. Sy. Happy Holidays.

Monday, December 22, 2014

ST. MICHAEL

Sa uri ng hanapbuhay ko ngayon, minsan sa isang taon nalang ako magsuot ng polo. Kapag may espesyal na okasyon nalang tulad ng pamamasyal sa mall at pagdidate sa Andok's.


Cancelled na pala yung pagpapahaba ko ng buhok. Huwag niyo na alamin kung sino nagbawal sakin.

Wednesday, December 17, 2014

Sunday, December 14, 2014

IN SHORT, WALA AKONG PANGARAP

Wala akong balak..
  • yumaman
  • magkaroon ng g-shock at nike roshe run
  • bumili ng magarang kotse
  • magkaroon ng bahay na may shandel.. chandil.. basta yung nakasabit sa kisame tapos madaming ilaw.
  • pumunta ng ibang bansa para mamasyal at magTNT
Kaya kung gusto mo ng masagana at walang-araw-na-hindi-nahihikahos na buhay.. hindi tayo para sa isa't isa. And I need space u know.

Saturday, December 13, 2014

TIME FLIES

Hays. Ang bilis talaga ng oras. Kakaidlip mo lang e, maya-maya gigisingin ka na agad ng boss mo. Istorbo. Hays talaga.

Thursday, December 11, 2014

UNANG SWELDO

Once upon a time, bumili ako ng relo (yung pwedeng isangla sa pawnshop) para lang hindi ako mapagkamalang snatcher o holdaper kapag naglalakad ako sa labas. Effective naman siya.

Monday, December 08, 2014

ANG AHAS AT ANG PRUTAS

Noong unang panahon..


Update: May nag-unfollow sakin sa Tumblr pagkapost ko nito dun hahaha.