Sunday, November 29, 2015

HIATUS

Wow hiatus. BIG. WORD. PRE.

Deeee joke lang. Medyo bisi-bisihan* lang sa pagpupuyat nitong mga nakaraan buwan. Nakakastress pala talaga sa kompyuteran kaya 'di ko rin magawang magpost ng kung anu-ano dito na ako lang din naman ang nagbabasa (kahit ako mismo nasusuka narin e.. ramdam kita bro)

At bilang patunay na nakakastress sa kompyuteran, inaalay ko sa inyo ang larawang ito. Enjoy.


Sunday, November 22, 2015

Sunday, October 25, 2015

DI KO MARAMDAMAN YUNG BETLOG KO HABANG NAKASAKAY SA STAR FLYER

Dalawang dahilan kung bakit ayokong magturo bukod sa di ako marunong gumawa ng lesson plan:
1) Ayokong makapatay ng bata
2) At ayoko makasuhan ng statutory rape


Kaya ok na ko dito sa pagbebenta ng pampalaki ng etits online.

Sunday, September 06, 2015

PUTO CALASIAO

Napakaself-conscious ni ate sa bus. Tingin nang tingin sa dede nya kung bakat ba yung utong nya. Hays di nalang kasi nagpadding e, mapride. Pero sa bagay, hindi naman natin masisisi si ate. E baka nga bumakat kasi puro utong lang naman siya.

Suggestion: Sana sa susunod guputin mo  nalang yan 'te para di ka tamang hinala. Ok? You're welcome!


Monday, August 31, 2015

MAY LIBRENG KAPE DIN

Late man at magaling.. nabibigyan ng cake parin.

with flash #nofilter

Kahit medyo nakakabastos yung "Kuya" lol.

Saturday, August 29, 2015

ELIGADZ AS MOVIE LOVER

Random guy sa internet cafe: Kuya, anong dinadownload mong movie?
Ako: "Skinny Masseuse Fucked"
Random guy: Ah... sino bida?

Sunday, May 24, 2015

COLLETE'S

Kapag nadaan ka talaga ng expressway, madalas may makakasabay ka sa byahe na nagdedeliver ng baboy...

Monday, May 18, 2015

SWEET SUMMER SCENT

Nakakawala pala ang stress ang pagkanta ng "shine Pilipinas shine". Nalilimutan ko yung pagod at mga problema (eg. basang kilikili). Thank you abs-cbn.

AT sya nga pala, pakyu sa Candy Crush na yan. Nakalagpas din ng level 13 after 2 weeks and 3 hours, bitch!


Monday, May 04, 2015

VAVARIETIES

Kung ang donut may iba't ibang flavor, may iba't-ibang klase din ng mahabang baba.
  1. Sandok
  2. Sagwan
  3. Half-moon
  4. Cute (andito ko)
  5. Kurbata
  6.  Icepick
  7. Mangga
Haha. Ako. Lang. Ang. Natawa. Pilit talaga tong post na to. Next time na yung descriptions.

Note: Yung "mataas na labi" thing 'di siya applicable sa lahat. Arouch 'di ba?

Thursday, April 23, 2015

SIGNUS, PATTERN O SUMPA?

Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakaramdam ako ng takot sa pagstay pinapasukan kong kompyuteran. Bata man (fresh/not-so-fresh grads) o di pa masyadong matanda kasi e may napapansin akong pagkakahawig sa bawat isa.

Napapanot na sila agad.

Masyado lang kaya akong paranoid? Sobrang stressful ba sa kompyuteran? O madalas lang silang kumain ng *alam mo na* kaya madalas din silang masabunutan? HAISTSXZZZS

Monday, April 06, 2015

PANTRY PEOPLE

Napakarestricted ng bago kong pinagtatrabahuhan na kompyuteran. Oo, tapos na ko sa pagbobote. New career path naman 'di ba guys? Ok naman sana sa kompyuteran na yun sa may bandang Boni, yun nga lang bawal magselfie (ewan ko lang sa pantry). Kaya sorry guys, di ako makakapagpost ng litrato ng aking new work. Til' next time! :)

Monday, March 16, 2015

ROSE MARIE

 Ei Musta na u? Ano gawa u? lol

Natatandaan mo pa ba ko? Malamang hindi na. Pero ikaw natatandaan ko pa. 3rd year highschool tayo nung una kitang makita at agad kong inalam sa kaklase mo kung anong pangalan mo. Magkatabi lang din ang silid-aralan natin. Ako yung madalas magbigay ng sulat sa'yo pero sa tuwing makikita ka e tumatakbo para magtago. Oo, ako nga, yung dakilang torpe.

Monday, March 09, 2015

DEDE STORY #1

Kanina may nakasakay akong magjowa sa bus. Mas malaki pa yung dede nung tomboy kesa dun sa girlfriend niya. 

Wala lang.

Kthnxbye.

Saturday, March 07, 2015

COOL

Nasubukan nyo na ba umutot nang nakatuwad? Enebenemenyen?! Subukan nyo kaya. May kakaibang lamig kayong mararamdaman.. para kayong mentos o kaya snowbear sa puwet.

Sunday, February 22, 2015

FIFTY SHADES OF GREEN

Sa isang relasyon, natural lang talaga ang mga pagsubok.. mga pagsubok na susukat sa tatag ng inyong pagmamahalan, kung paano nyo pananatilihin ang pag-ibig sa kabila ng mga problema at mga hamon ng buhay na dumarating. Sabi nga nung FAMOUS na, best-selling author of all time pa, "PAKATATAG LANG TAYO."

Kaninang hapon, habang nakasakay kami ni gelpren sa jeep at masayang nagkukwentuhan, bigla kong napansin na may kulangot siya sa taas ng labi niya, as in bigla nalang talaga nalalaglag galing sa ilong niya na parang binilog na ng tadhana. Buti nalang 'di ako masyado nagpanic at napunasahan ko agad. BWAHAHAHAHA. Wala lang. Mahal parin kita Duna sa kabila ng lahat :) Pagsubok lang to.. pakatatag tayo lol.

Wednesday, February 18, 2015

VICTIM OF LOVE

ubos na kaya ginoogle ko nalang

Huli na ang lahat nang mapagtanto ko na bawal nga pala ko sa maanghang kasi may nagdudugo. Wala e.. nadutdot ko na ng hotsauce yung hawaiian overload pizza ko at UBOS NA SIYA. Pero ok lang naman siguro yun kasi meron siyang PINYA. Fiber u know? :)

Saturday, February 14, 2015

HAPPY VALENTINE'S DAY

Random tips para sa isang masayang date:

  • Mag-effort naman sa pananamit. Yung malinis tignan.. yung pangmalakasan. Wag naman yung mukha kang pupunta sa summer slam. 
  • Wear your best underwear.
  • Maligo. Magsipilyo. Magdeodorant. 
  • MAG-AHIT.
  • Kung manonood ng sine, yung di masyado patok sa tao na pelikula ang panoorin.
  • Kung hardcore landian ang gagawin sa sinehan, magmotel nalang... mas mura pa.
  • Magdala ng madaming pera.
  • Magbaon ng condom. At discount card narin.
  • Sa ibang araw nalang bumili ng regalo/bulaklak/chocolates para mas makamura.
  • Magbaon ng mga pwedeng pag-usapan o mapagkukwentuhan.
  • Magsawa din sa mga fastfood chains.. sa iba naman please. Sa motel may pagkain din sila dun :)

Thursday, February 05, 2015

VALKYRIE NI TOM CRUISE

Gusto ko sana ikwento yung tungkol sa nakadate ko noong college (post-Vday date), yung ayaw magpahawak ng dede sa sinehan, kaso wala akong maisip na magandang intro.

Saturday, January 24, 2015

BANGUNGOT #25

Binangungot na naman ako kaninang umaga. Hindi ako halos makakilos pero pinilit kong gumulong para mahulog ako sa kama. Nagising ako... wala pala kaming kama.

Thursday, January 22, 2015

MGA BAGAY NA HINDI MO DAPAT BANGGITIN SA ISANG JOB INTERVIEW

1. Weakness mo.
2. Panget na ugali ng dati mong boss na panget.
3. PANGARAP MO (e.g. gusto mong maging isang kilalang graphic artist pero nag-aapply ka bilang ahente ng insurance.)
4. Kung gaano kabusilak ang puso mo (dahil wala silang pakialam)
5. At kung may tae tae kang blog katulad nito.. WAG NA WAG.

Monday, January 19, 2015

SAFE PA EGGS AT BIRD MO

Ngayon ko lang napagtanto na mas magandang remedyo ang double adhesive tape sa nasirang zipper ng shorts kesa sa perdible.

Thursday, January 08, 2015

MASASANAY DIN KAYO

Bunsod ng pagtaas sa pamasahe ng LRT, kailangan nang ibudget ang mga baon sa pakikipagdate sa Luneta:
  • Tatanggalan na ng palaman ang baong tasty.
  • Yung dating juice/softdrinks, tubig nalang. Dagdagan yelo.
  • Yung spaghetti... ok wala naring spaghetti.
  • Hati nalang sa isang malaking supot ng Clover Chips.
Naisip ko ngayon-ngayon lang:

Magkano kaya sweldo ng isang masungit na cashier ng MRT/LRT? Sarap siguro ng ganung trabaho. Uupo ka lang, makikipagkwentuhan sa kapwa cashier tungkol sa ulam kagabi at mag-aabot ng ticket (na parang masama pa ang loob kasi sumasakay tayo sa tren nila.) Libre kaya sila sa pamasahe? Sarap.

"Wag kayong sumakay kung ayaw nyo!" -gobyerno

Wala lang.