Thursday, January 08, 2015

MASASANAY DIN KAYO

Bunsod ng pagtaas sa pamasahe ng LRT, kailangan nang ibudget ang mga baon sa pakikipagdate sa Luneta:
  • Tatanggalan na ng palaman ang baong tasty.
  • Yung dating juice/softdrinks, tubig nalang. Dagdagan yelo.
  • Yung spaghetti... ok wala naring spaghetti.
  • Hati nalang sa isang malaking supot ng Clover Chips.
Naisip ko ngayon-ngayon lang:

Magkano kaya sweldo ng isang masungit na cashier ng MRT/LRT? Sarap siguro ng ganung trabaho. Uupo ka lang, makikipagkwentuhan sa kapwa cashier tungkol sa ulam kagabi at mag-aabot ng ticket (na parang masama pa ang loob kasi sumasakay tayo sa tren nila.) Libre kaya sila sa pamasahe? Sarap.

"Wag kayong sumakay kung ayaw nyo!" -gobyerno

Wala lang.

No comments: