Sunday, February 22, 2015

FIFTY SHADES OF GREEN

Sa isang relasyon, natural lang talaga ang mga pagsubok.. mga pagsubok na susukat sa tatag ng inyong pagmamahalan, kung paano nyo pananatilihin ang pag-ibig sa kabila ng mga problema at mga hamon ng buhay na dumarating. Sabi nga nung FAMOUS na, best-selling author of all time pa, "PAKATATAG LANG TAYO."

Kaninang hapon, habang nakasakay kami ni gelpren sa jeep at masayang nagkukwentuhan, bigla kong napansin na may kulangot siya sa taas ng labi niya, as in bigla nalang talaga nalalaglag galing sa ilong niya na parang binilog na ng tadhana. Buti nalang 'di ako masyado nagpanic at napunasahan ko agad. BWAHAHAHAHA. Wala lang. Mahal parin kita Duna sa kabila ng lahat :) Pagsubok lang to.. pakatatag tayo lol.

No comments: