Monday, March 16, 2015

ROSE MARIE

 Ei Musta na u? Ano gawa u? lol

Natatandaan mo pa ba ko? Malamang hindi na. Pero ikaw natatandaan ko pa. 3rd year highschool tayo nung una kitang makita at agad kong inalam sa kaklase mo kung anong pangalan mo. Magkatabi lang din ang silid-aralan natin. Ako yung madalas magbigay ng sulat sa'yo pero sa tuwing makikita ka e tumatakbo para magtago. Oo, ako nga, yung dakilang torpe.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng buong section nyo na crush kita. Pero ayos din yun ah kasi parang sila narin yung naging taga-lakad ko sa'yo. Yung binigay mong 5R full body picture na sila ang kumuha at nagpadevelop (oldskul potah) matagal nang nawala. Sorry kung di ko naingatan.

Napilit ba nila ko na isayaw ka nung JS prom? Hindi ko matandaan. Ang natatandaan ko lang e binigyan nila ko ng pekeng rose para ibigay ko daw sayo. Ang ginawa ko e binawi ko yung binigay kong tunay na rose sa JS partner ko tapos pinalit ko yung peke, para ibigay sayo yung tunay hahaha. Lalo akong nabighani sa'yo nung gabi na yun, samantalang ako mukhang ibuburol.

May mga uwian din na hinintay mo ko para ihatid ka. Kasi nga sabi ko ihahatid kita. Pero naninigas talaga ko sa kaba sa tuwing makikita kang nakatingin sa'kin. Hindi ko man lang nagawang bitbitin yung dilaw na Dickies bag mo para sa'yo. Mga tatlong metro din yung layo ko sa'yo pag hinahatid kita. Parang hindi naman talaga siya hatid, parang sinusundan lang kita. Lol.

Divisoria White Shoes Gang
Kumusta ka na kaya? Mahigit isang dekada narin mula nung huli kitang nakita. Wala na kong balita sayo pagtapos ng graduation. Hindi rin kita nakita sa Friendster. San ka kaya nagkolehiyo? May asawa ka na ba? Anak? Globe ka ba o Smart? Ako Talk n' Text parin. Sana ok ka lang ngayon at masaya sa naging buhay mo. Ingat ka sana parati Randy.


Disclaimer: Please lang, wala ako dyan sa litrato.

No comments: