Saturday, January 24, 2015

BANGUNGOT #25

Binangungot na naman ako kaninang umaga. Hindi ako halos makakilos pero pinilit kong gumulong para mahulog ako sa kama. Nagising ako... wala pala kaming kama.

Thursday, January 22, 2015

MGA BAGAY NA HINDI MO DAPAT BANGGITIN SA ISANG JOB INTERVIEW

1. Weakness mo.
2. Panget na ugali ng dati mong boss na panget.
3. PANGARAP MO (e.g. gusto mong maging isang kilalang graphic artist pero nag-aapply ka bilang ahente ng insurance.)
4. Kung gaano kabusilak ang puso mo (dahil wala silang pakialam)
5. At kung may tae tae kang blog katulad nito.. WAG NA WAG.

Monday, January 19, 2015

SAFE PA EGGS AT BIRD MO

Ngayon ko lang napagtanto na mas magandang remedyo ang double adhesive tape sa nasirang zipper ng shorts kesa sa perdible.

Thursday, January 08, 2015

MASASANAY DIN KAYO

Bunsod ng pagtaas sa pamasahe ng LRT, kailangan nang ibudget ang mga baon sa pakikipagdate sa Luneta:
  • Tatanggalan na ng palaman ang baong tasty.
  • Yung dating juice/softdrinks, tubig nalang. Dagdagan yelo.
  • Yung spaghetti... ok wala naring spaghetti.
  • Hati nalang sa isang malaking supot ng Clover Chips.
Naisip ko ngayon-ngayon lang:

Magkano kaya sweldo ng isang masungit na cashier ng MRT/LRT? Sarap siguro ng ganung trabaho. Uupo ka lang, makikipagkwentuhan sa kapwa cashier tungkol sa ulam kagabi at mag-aabot ng ticket (na parang masama pa ang loob kasi sumasakay tayo sa tren nila.) Libre kaya sila sa pamasahe? Sarap.

"Wag kayong sumakay kung ayaw nyo!" -gobyerno

Wala lang.