Sunday, February 22, 2015

FIFTY SHADES OF GREEN

Sa isang relasyon, natural lang talaga ang mga pagsubok.. mga pagsubok na susukat sa tatag ng inyong pagmamahalan, kung paano nyo pananatilihin ang pag-ibig sa kabila ng mga problema at mga hamon ng buhay na dumarating. Sabi nga nung FAMOUS na, best-selling author of all time pa, "PAKATATAG LANG TAYO."

Kaninang hapon, habang nakasakay kami ni gelpren sa jeep at masayang nagkukwentuhan, bigla kong napansin na may kulangot siya sa taas ng labi niya, as in bigla nalang talaga nalalaglag galing sa ilong niya na parang binilog na ng tadhana. Buti nalang 'di ako masyado nagpanic at napunasahan ko agad. BWAHAHAHAHA. Wala lang. Mahal parin kita Duna sa kabila ng lahat :) Pagsubok lang to.. pakatatag tayo lol.

Wednesday, February 18, 2015

VICTIM OF LOVE

ubos na kaya ginoogle ko nalang

Huli na ang lahat nang mapagtanto ko na bawal nga pala ko sa maanghang kasi may nagdudugo. Wala e.. nadutdot ko na ng hotsauce yung hawaiian overload pizza ko at UBOS NA SIYA. Pero ok lang naman siguro yun kasi meron siyang PINYA. Fiber u know? :)

Saturday, February 14, 2015

HAPPY VALENTINE'S DAY

Random tips para sa isang masayang date:

  • Mag-effort naman sa pananamit. Yung malinis tignan.. yung pangmalakasan. Wag naman yung mukha kang pupunta sa summer slam. 
  • Wear your best underwear.
  • Maligo. Magsipilyo. Magdeodorant. 
  • MAG-AHIT.
  • Kung manonood ng sine, yung di masyado patok sa tao na pelikula ang panoorin.
  • Kung hardcore landian ang gagawin sa sinehan, magmotel nalang... mas mura pa.
  • Magdala ng madaming pera.
  • Magbaon ng condom. At discount card narin.
  • Sa ibang araw nalang bumili ng regalo/bulaklak/chocolates para mas makamura.
  • Magbaon ng mga pwedeng pag-usapan o mapagkukwentuhan.
  • Magsawa din sa mga fastfood chains.. sa iba naman please. Sa motel may pagkain din sila dun :)

Thursday, February 05, 2015

VALKYRIE NI TOM CRUISE

Gusto ko sana ikwento yung tungkol sa nakadate ko noong college (post-Vday date), yung ayaw magpahawak ng dede sa sinehan, kaso wala akong maisip na magandang intro.